Chapter 24

10.3K 133 10
                                    

Halos nakalabas ang kalahati ng katawan ko sa bukas na bintana ng kotse, dinadama ko ang hangin na sumasalubong sa amin. Malaming ang temperatura dito because we're going to the upper part of the city and it's already six a.m.

“Hmmm!”

     “Mag-ingat ka  nga diyan.” Hindi nagkulang sa pagpapaalala si Mark habang natatawa-tawang nagmamaneho.

Umayos rin naman ako ng upo kalaunan at sumabay sa malakas na music na nanggagaling sa stereo, may kaunting sayaw pa nga iyong kasama. Kahit si Mark ay nadadamay na rin sa kalikutan ko at napapaindak na.

I chuckled with him. This feels so right, it feels so delightful that I don't ever want this to end. Kung puwede lang na dito nalang kami sa byaheng 'to habang buhay.

    “Tayo na.”

We reached our destination after an hour of driving, he parked his car on the mini parking lot. Dito kami sa isang kilalang coffee shop located in Tagaytay, medyo tago ito mula sa highway at hindi masyadong pansin sa una.

Pinagkiskis ko ang mga palad ko dahil sa lamig na yumayakap sa akin, napansin naman ni Mark 'yon kaya may kinuha siyang jacket mula sa loob ng kotse at isinabit 'yon sa balikat ko.

     “Thanks," saad ko.

Ngumiti lang siya at hinapit ako sa beywang.

Nang makapasok kami doon ay  dumiretso kami sa may labas na part para mas ma-enjoy namin ang magandang tamawin. Parang typical lang kasi na coffee shop ang itsura ng loob nito, except sa magandang view na mayroon ito sa labas.

Unti-unti nang sumisilay na ang araw-araw kaya medyo nakikita na rin ang magandang lanscape view ng taal volcano. It almost looked like a painting because of its perfection. The sky was turning blue and the green leaves of trees are still moist from the fog.

Wala pang masyadong tao rito kaya naman tahimik pa ang paligid. Tanging paghampas lang ng sariwang hangin sa mga dahon ang naririnig, at ang sariwang hangin na iyon ay hinaluan pa ng amoy ng kape na bumabalot sa paligid nitong cafe.

This place is perfect if for relaxation... to temporarily escape from the stressful and cruel world out there.

    “Order lang ako, anong gusto mo?”

“Frappe, charamel macchiato.” tugon ko.

Tumango naman siya at kaagad na umalis.

Inilabas ko ang phone ko to check some notifications then I snapped a few pics then posted it on my stories. Habang tinitingnan 'yong mga pictures ay naalala ko ang kapatid kong si Sabrina.


Matagal na niya kasing gusto na pumunta rito kasama ako... Uh, I miss talking to her. Kumusta na kaya iyon? Kahit naman nagalit ako sa mga sinabi niya noon ay mahal ko pa rin siya, kasi kapatid ko siya at kaibigan.

We were inseparable back then kaya hindi ko ganoon kadali mabibitawan ang pagsasamahan namin. Sanggang dikit kami, siya lang ang kakampi ko minsan at ako lang rin ang kakampi niya madalas. Kaya hindi ko alam kung bakit umabot kami sa ganito.

Dahil pa talaga sa lalaki, huh? The irony.

Bumalik lang ako sa ulirat nang umupo na si Mark sa may tapat ko. Tumikhim siya at tinanaw rin ang taal volcano, inilabas niya rin ang phone niya para i-video ang lugar.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon