Chapter 20

10.2K 125 6
                                    

   Nakatulala ako sa screen nitong laptop at bakante pa rin ang bawat page nitong ginagawa kong powerpoint. Hanggang ngayon kasi ay lumilipad pa rin and isip ko. I've been procrastinating for almost an hour now.

Hindi ko makalimutan ang nangyari kahapon. Dumagdag pa ang hindi namin pag-iimikan noong ihatid niya ako dito sa bahay. He didn't even dare to text or contact me that night. Umaaasa pa naman ako na susuyuin niya ako.

It's because he promised to be better. But then again, maybe it's me who should've known better? Siguro, I'm not that important to him as I think I was... Ano ba namang laban ko kay Clarisse?

She is Mark's ideal type. A total opposite of me! Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako pa ang niligawan niya.

  Nabalik lang ako sa reyalidad when I heard a knock outside my room. "Baby, hindi ka pa raw kumakain?"

"I'm not hungry," pagsisinungaling ko.

         "Are you full?"

"Yeah..." bumuntong hininga ako.

        "Of lies?" dagdag ni Mama na ikinatigil ko.

Itinali ko ang buhok ko at inayos ang pagkakalaylay ng malaki kong t-shirt sa aking katawan. Pagkatapos ay tumayo ako mula sa study table at patamad kong binuksan ang pinto.

I looked at her dead-eyed and slightly tilted my head. "What, Ma?"

She smiled with her eyes, madalang niyang gawin iyan. She would always have that resting bitch face in normal days. Kaya kahit papaano ay napawi niya ang bigat na nararamdaman ko, napangiti rin ako ng bahagya.

   "Someones looking for you downstairs." Pinaningkitan ko siya ng mata.

Sino naman kaya iyon? Sa pagkakatanda ko wala namang tao na posibleng dumalaw sa akin. I don't have that much friends. Tsaka bakit ako naman ako dadalawin? I'm not even sick.

   "Who is it?"

Hinawi niya ang buhok ko at inipit 'yon sa likod ng tainga ko. She smiled sweetly, "You'll be very happy to see him."

Him?

Sabay na kaming bumaba ni Mom sa stairs habang iniisip ko kung sino 'yong posibleng bisita namin na matutuwa raw ako kapag nakita ko.

    "M-Miracle."

Biglang nag-init ang ulo ko. I clenched my teeth ang frowned at him. I am not pleased on the fact that he is able to smile like that infront of us. Ang kapal ng mukha niya. Parang wala siyang ginawang kasalanan ah? Parang wala siyang sinira at iniwan na pamilya noon.

     "He wanted to see you." Hinagod ni Mama ang likod ko at tumingin sa direksyon ng magaling kong ama.

"Bakit?" I asked, still frowning.

     "Anak, gusto ko sanang bumawi. Gusto kong magpakatatay sa'yo–"

Ngayon pa?

I chuckled and it was full of sarcasm, kaya kinunotan nila akong dalawa ng noo.

"Mama, are you being serious right now?"

     "Gusto ko sanang makilala ka anak."

Ang sakit marinig. Ang daming panahon na puwede niya akong kilalanin. Sana ginawa niya 'yan noong mga araw na nangangailangan ako ng ama na gagabay sa akin habang lumalaki ako. "Ngayon?"

       "Miracle."

"Aalis ako ngayon, bumalik ka nalang sa susunod." I looked at him. He looked shock, nawala na 'yong ngisi niya at nagbaba siya ng tingin sa sahig. But I didn't not feel guilty, he should be the one na makaramdam no'n.

   "Gabi na, saan ka pupunta?" Si Mama iyon.

Hindi ko alam! Ang alam ko lang ay ayaw kong makipag-usap sa ama kong iyan. Umakyat ako pabalik sa kwarto at nagsuot ng jogger pants, kinuha ko rin ang cap at ang string bag ko at isinakbit 'yon sa aking likod.

Nagmamadali akong bumaba, hindi ko na sila nilingon doon sa may living room at dumiretso na kaagad ako sa labas. Tumakbo ako sa madilim at tahimik na kalsada ng village namin hanggang makalabas ako doon.

Umupo ako sa gilid ng entrance nitong village at pinagmasdan nalang ang mga dumaraang sasakyan sa highway. Napatitig ako sa guardhouse at sumandal sa malaking pangalan ng village na nakakabit sa pader.

Mukha akong homeless person dito ngayon, hindi ako magtataka kung paalisin ako nitong guwardiya mamaya lang. Kaya inilabas ko ang cellphone ko, naisipan kong i-text si Lovie. Sa kanila nalang muna siguro ako mag-iistay kasi ayaw ko pang bumalik sa amin ngayong gabi.

    I scrolled through my contacts then called Lovie, sinagot naman kaagad niya 'yun.

"Hello, Lovie? Puwede bang diyan muna ako sa inyo? Umalis kasi ako sa bahay, ayaw ko lang bumalik muna doon." Panimula ko.

     "Nasaan ka?"

Nangunot ang noo ko dahil lalaki ang sumagot sa kabilang linya. Tinitigan ko ang  screen sandali at "Love" pala ang natawagan ko, not "Lovie", what the hell?

    "Chrishelle nasaan ka?!" Huling tanong ni Mark bago ko ibaba ang tawag.

Bakit naman kasi 'Love' ang nakalagay na name niya sa contacts ko? Isa pa, I don't even recall na I saved his number. Inis kong sinapo ang noo ko.

Si Mark naman, sige parin sa pagtetext sa akin.

Love:

Nasan ka?

Gabi na, bakit lumabas ka pa?

Wala kang kasama?

Papunta na ako.

Nanginig ang kamay ko nang mabasa ang huling text niya, namawis ang palad ko at dahil doon ay halos dumulas na itong phone ko. Kinagat ko ang labi ko at lumingun-lingon sa paligid. A part of me is already looking for him, part of me is already hoping to see him.

Pero dapat yatang umiwas muna ako? I am still hurt. Parang 'di ko pa yata siya kayang makita. I inhaled sharply at tumayo na ako, pinagpag ang pants ko at lumingon ulit sandali sa kalsada. Maraming mga sasakyan na dumaraan doon kaya kinakabahan ako. Uuwi nalang ako.

Nanginginig ang tuhod ko habang naglalakad ako pabalik sa loob ng village. Pagkatapos ay lumingon ulit ako pero sa pagkakataong iyon ay nanlaki na ang mga mata ko dahil kitang-kita ko ang pagliko ng corvette niya papasok dito sa village.

Tumabi ako sa sidewalk at maya-maya lang ay tumapat na ang sasakyan niya sa akin. Tumigil iyon kasabay ng pag-ring ng cellphone ko, hindi parin siya lumalabas sa sasakyan kaya sinagot ko ang tawag.

Itinapat ko ang phone sa tainga ko. "Hello?"

            "Sumakay ka na," aniya.

Tumitig lang ako doon. Should I really hop in there?

"Chrishelle, 'wag mo hintayin na babain kita at buhatin pa para lang maisakay dito," he commanded.

         "Oo na!" Sagot ko at lumakad na palapit doon.

"Hi!" Kumindat kaagad siya sa akin pagbukas ko ng pinto.

I tried hard not to smile so I just pouted then rolled my eyes.

      "Ang ganda mo ngayong gabi, Lady." He smirked

"Gago ka."

      "Gusto mo yata ng kiss ko?"

"Sampal ko gusto mo? Makapagsalita ka akala mo yata we're okay na?" Inirapan ko ulit siya.

        "Biro lang naman 'yon, hindi na kita hahalikan kung ayaw mo. Malaki ang respeto ko."

Wow? 


The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon