Chapter 16

10.7K 121 6
                                    

"Ang sarap mo naman palang magbake."

Napangiti ako habang pinapanood na kainin ni Mark 'yong mga muffin na ginawa ko dito sa bahay nila. Dumiretso kami rito matapos niya akong turuan ng kaunti mag skate doon sa park.

Masaya naman pala.

Kahit nagalusan itong tuhod ko at nahirapan ako kasi nga I'm wearing ankle boots.

"Ewan ko sa'yo, hugasan mo 'yung mga ginamit ko ha?" Pagpapaalala ko sa kaniya.

Natigilan siya sa pagnguya at ipinatong sa tray 'yong muffin. Tingnan mo 'tong tamad na 'to?

"Bakit ako?"

"Kami na nga ang nagluto." Napailing nalang ako at kinunutan siya ng noo.

"Joke lang! Huhugasan ko pati plato ng kapitbahay basta ba ipaggagawa mo lang ulit ako ng ganito."

"Oo na, just wash those."

Pinaubos ko talaga sa kaniya 'yong ginawa ko at willing naman siya. Masarap naman daw e.

"Alam mo hija, hindi ko rin alam kung bakit malayo ang loob ni Mark sa daddy niya."

Habang naghuhugas si Mark doon ay nagkekwentuhan muna kami ni Manang Belen dito sa sala.

"Hindi naman po ba abusive ang Daddy niya?" I asked.

Na-curious lang kasi ako kung bakit malamig ang pakikitungo niya sa father niya, kung tutusin nga'y ang swerte niya kasi may mabait siyang tatay.

"Mabait 'yong Daddy niya kulang lang siguro ang oras na binibigay sa kaniya dahil masyado 'yong tutok sa trabaho. Pero para sa kinabukasan rin naman 'yon ni Mark."

Iyon naman pala ang dahilan. His father really needs to have his time management fixed kung gusto nilang magkasundo na dalawa. Ganoon rin si Mark, he needs to understand Tito's reasons. Ano kaya ang puwede kong gawin para magkasundo sila?

"Mark uwi na ko," sambit ko kay Mark pagkatapos namin na maghapunan dito sa bahay nila.

Eight na at nagpagabi talaga ako, akala ko kasi darating si Tito.

"Ihahatid na kita."

Tumango ako at ngumiti. Nagpaalam na rin ako kay Manang Belen at nagsimpan muna ng pinagkainan.

"Mark, can you do me a favor?"

"Oo naman, ano 'yun?" He gladly asked.

"Makipag-bond ka naman sa father mo, sayang kasi hindi naman lahat may mabait na tatay."

Nalukot ang mukha niya at hindi siya sumagot, naalala ko tuloy kung gaano siya kaseryoso noong una kaming magkita. This was him, parang galit siya sa mundo noong mga araw na 'yon at walang ano man na makakapagpangiti sa kaniya.

"Pero hindi naman kita pinipilit, I'm just saying."

Nakita kong humigpit ang hawak niya sa manibela, "Okay."

Ang sikip ng dibdib ko and it hurts really painful! Para akong malalagutan ng hininga at mawawalan ng malay. Walang tumutulong sa akin, lahat sila ay nakatingin lang.

Si Mark ay may kasamang ibang babae at magkahawak ang mga kamay nila. Gusto ko silang lapitan pero parang may pumipigil sa mga binti ko na gumalaw.

Wala ring tunog na lumalabas mula sa bibig ko kahit pinipilit kong sumigaw. My chest felt heavy, it felt like something was piercing my heart.

Ito na ba ang kawakasan ko?

Nagising ako at namalayang kong nandito lang pala ako sa kama ko, bumangon ako at napahawak sa dibdib ko. Para akong naligo ng pawis dahil sa lagay ko ngayon.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon