Chapter 29

12.2K 118 9
                                    

Gumuhit sa  ekspresyon ng mukha ni Mark ang pagkabigla nang makita niya akong nakatayo sa gilid ng sasakyan niya na nakaparada rito sa parking lot ng school.

Ka aawas lang nila galing sa klase at sinadya ko talaga siyang hintayin rito. I just had the urge to see him after what happened earlier, I wanted to feel better.

Kapag nakikita ko kasi siya, nagiging okay na ako. Nakakampante ako dahil pinaparamdam ng presensiya niya na kahit papaano ay suwerte pa rin ako.

Patakbo siyang lumapit sa akin habang nakakunot ang noo dahil siguro sa pagtataka. Nang makalapit na siya ay sinunggaban ko kaagad siya ng yakap, ipinatong ko ang ulo ko sa may dibdib niya at hinigpitan kapit sa kaniyang polo.

Yumakap siya pabalik at dahil doon ay hindi ko na napigilan na maluha ulit.

“Ano bang nangyari?” he asked full of concern. Para akong batang inaway na nagsusumbong sa magulang dahil sa tono niya.

  “Mark... huwag mo akong sasaktan ha? Don't leave me.” I said in between my sobs.

Dama ko ang pagsinghap niya, hinaplos niya ang ulo ko at hinalikan ako sa tuktok noon.

  “H-Hindi, dito lang ako.”

Napangiti ako because of his assurance, 'yon lang ang gusto kong marinig para maging ayos na ang pakiramdam ko. I don't know why but I feel safe with Mark,  at this moment I could believe everything that he would say. He is my home, my safe space.

     “Thank you, Mark.”

Dinala ako ni Mark sa isang cafe na malapit sa school at in-order niya ako ng shake at donut. I even told him what happened at the mall noong medyo kumalma na ako.

    “Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pareho lang kasi tayong hindi maganda ang relasyon sa mga ama natin.” He laughed without humor.

   “E, pasalamat ka nga nakasama mo ang Daddy mo while you were growing up.”  I sipped on my shake.

      “E'di thank you.”

I snorted. “Seryoso, bakit ba kasi 'di kayo close? Mukha namang mabait siya–“

       “Mukha lang.” He shrugged. Ayaw niya siguro talagang pag-usapan ang ama niya.

“Si Nathan, paano mo siya naging kapatid?”

  Tumaas ang isang kilay niya bago pinaningkitan ako ng mata, parang may hinahanap siyang kung ano sa mukha ko. Tinampal ko ang pisngi niya dahil medyo nakakailang na iyon.

     “Bakit mo ba kasi tinatanong?” mapaglarong tinig niya.

“I was just curious.”

      “Ayokong binabanggit mo ang pangalan nu'n, nagseselos ako.” Walang prenong sabi niya, medyo malakas pa iyon kaya naman narinig ng ibang mga customers dito sa cafe at napatingin sila sa direksyon namin.

'Yong dalawang babaeng estudyante naman sa may likod niya ay mukha pang kinikilig, pinamulahan tuloy ako ng pisngi.
    
    “Para kang tanga,” I whispered but enough for him to hear.

“Bad word 'yan.” He chuckled.

Lalo tuloy nag-init ang pisngi ko at hindi na mapakali dito sa kinauupuan ko. I tried to sip sa shake ko pero nasamid lang ako doon. Naalala ko kasi na every bad word is equivalent to a kiss.

    "Mark? Mark it is really you!"

Natigilan ako nang may babaeng tumawag kay Mark, mukhang kapapasok lang nito sa cafe dahil nasa may entrance palang ito. Maganda ang hubog ng katawan nitong babae at kitang kita iyon dahil sa maong na mini skirt at  red halter top na suot niya.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon