Chapter 22

10.9K 121 9
                                    

Paglabas ko sa school ay natigilan ako kaagad. Nakaparada na kasi sa may harapan nito ang corvette ni Mark. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla nalang akong kinabahan.

I forced myself to smile and shrug the nervous feeling.

Dahan-dahan akong lumapit doon, sakto naman na bumaba si Mark. Nagkunot ang noo ko dahil hindi siya nakangiti, humalikipkip siya at siya na mismo ang nangpuno ng distansya namin. His aura seems different, it's a bit cold. O baka nag-ooverthink lang ako? Shit naman.

"Bakit hindi mo ako ginising... ang sabi ko sa'yo ihahatid kita 'di ba?"

"Ayaw ko lang na istorbohin ka pa."

He chuckled, "Sige."

Pinaningkitan ko siya ng mata. Teka anong 'sige' ang ibig niyang sabihin? Sige kasi okay na o magkaaway na naman ulit kami?

"Mark, are you mad again?"

"Ha? Hindi, tara na ihahatid na kita sa inyo." Umiling siya at tsaka ngumiti na. Pero parang hindi naman ako kumbinsido sa ngiti niyang iyon. Parang may iba naman.

"Sumabay ka pala kay Nathan, sabi ni Manang."

"Oo, kasi I was running late." Isinuot ko ang seatbelt at pinagmasdan siya sa mga susunod niyang galaw.

"Kung ginising mo kasi sana ako..."

"I-I'm sorry, okay?" Wala sa sariling sabi ko. Ayaw ko na kasing lumala pa ito at pag-awayan na naman namin.

Sumabay lang naman ako kay Nathan. That's no big deal! Ayaw ko lang rin naman na istorbohin siya kaya I didn't bother to wake him up.

Ilang linggo ang dumaan, palagi naman kaming magkausap sa chat ni Mark. Minsan nga we do video calls, tapos kakantahan niya ako hanggang sa makatulog ako.

Our relationship is doing fine. Ito na nga yata ang pinaka matagal ko? Three months.

Nag chat agad ako kay Mark paggising ko.

Ako:

Good Morning!

+++

Morning, lady!
Nagbreakfast ka na?

Napangiti ako sa reply niya pero hindi ako nagreply. Sabado kasi ngayon at may plano akong pumunta sa kanila. Hindi ko sinasabi para naman masurpresa siya.

Nagbihis na ako. I wore a blue dress and white sneakers tapos pinuyod ko nalang ang buhok ko gamit ang isang scrunchie na pink. Sa maids na ako nagpaalam since wala na naman si Mama at nasa opisina na siya ng ganitong oras.

Nagpahatid ako kayong Manong Fred pero pinauwi ko na rin naman siya. Baka kasi magtagal rin muna ako sito kila Mark.

"Good morning po!" I greeted Manang nang pagbuksan niya ako ng gate.

She gave me a warm smile, "Magandang umaga rin."

Dumiretso na ako sa loob ng bahay like I was living here. Sa kusina kaagad ako at ipinatong sa counter top ang mga ingredients na dinala ko para sa pagluluto.

I started chopping garlic and grating parmesan cheese. Pinalalambot ko na rin 'yong pasta sa pot. I'm planning to make a carbonara today.

"Pinagluluto mo na naman ba si Mark?"

"Yes..." medyo awkward na sagot ko sa kaniya.

"Puwede ba akong tumikim?"

Napaawang ang bibig ko at natigilan sa paghahalo sa white sauce ng carbonara. I don't want to be rude. Tsaka magmukha akong bitter kapag hindi ko siya pinatikim.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon