Chapter 40

10.6K 120 10
                                    

Mag-isa ako ngayon dito sa unit ni Lovie at hindi ko ito gusto,  inaatake na naman kasi ako ng mga buwisit na alaala na 'yan. Isa 'to sa mga dahilan kung bakit lagi kong gusto na may ginagawa.

Nakakainis!

   I know myself! Kapag tuluyan akong nilamon ng mga thoughts ko ay hindi na ako makakapag-function ng maayos. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang ayusin ang sarili ko kapag nagulo na naman lahat.

Habang abala ako ay nakarinig ako nang pagkatok kaya tinigilan ko na muna ang pag-titiklop. Binuksan ko agad 'yong pinto without even looking out onthe peep hole because I assumed already that it was Lovie.

    “What the hell are you doing here?”

“Binibisita ka.” He smiled then showed a bouquet of flowers. Iniaabot niya sa akin ang mga iyon pero tinitigan ko lang.

     “Binubwisit mo lang ako, Mark.” walang emosyon na sabi ko.

“Aray,” pabiro niyang sinapo ang dibdib niya.

Ako, hindi ako nakikipagbiruan.

  “You are not welcome here.” Sinarhan ko siya ng pinto at bumalik ako sa pag-iimpake.

Narinig ko pa siyang tawagin ang pangalan ko sabay nang pagkatok niya sa pinto ng ilang beses. Hindi ko na 'yon pinansin.

Tumigil na rin naman kasi siya sa huli gaya nang inaasahan ko. Hours have passed simula nang nangyari 'yon, bigla ulit may kumatok. This time I looked out to the peep hole to make sure na si Lovie na iyon at hindi na si Mark.

“Lovie, you wouldn't believe what happened err–“

       “Bakit hindi mo pinapasok 'to?”

Sumulpot bigla sa gilid niya si Mark, bitbit pa rin nito ang mga bulaklak kanina.

Nandito pa rin pala 'yan? Ilang oras na 'yon ah?

Nanlamig ako dahil narinig niya ang muntikang pag-tsismis ko sa kaniya.

   “He's not welcome here, 'di ba nga galit ka rin sa kaniya?”

“Chrishelle! Ark pumasok ka muna sa loob, huwag mo nang intindihin 'tong kaibigan ko. Umupo ka muna doon sa sofa dahil siguradong masakit ang likod sa posisyon mo kanina.”

Ano bang posisyon niya kanina?

     Nakangiting tumango si Mark at dumiretso sa sofa. “Salamat.”

“You're welcome,” ani Lovie.

Napaka-plastic rin naman ng isang 'to!

    “Why'd you let him in?” agresibong bulong ko habang nakatingin kay Mark. Ipinatong nito ang bulaklak doon sa ibabaw ng glass coffee table.

   “Kawawa kasi, mukha siyang napagsaraduhan ng pinto ng asawa niya.”

     Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Lovie, “Bahala ka nga, matutulog na lang ako–“

“Anong matutulog? Tutulungan mo akong mag-asikaso sa bisita,” mataray na sabi niya.

      “Bisita mo siya kaya ikaw ang mag-asikaso,” hindi ako nagpatalo.

“Aba, ako ba ang pinunta niyan? Baka nga maglupasay ka sa sahig kung biglang naging para sa akin 'yong bulaklak?”

Napairap ako at nagbuntong hininga dahil talo ako kahit ano pa ang sabihin ko. Kasi unang-una, condo niya 'to at pangalawa ay ako naman talaga ang ipinunta ni Mark.

Matalim ang titig ko sa kanilang dalawa, narito kami ngayong lahat sa sala. Nag-uusap sila tungkol sa music career ni Mark, nagtatanong si Lovie kung willing ba itong makipag-collaborate ng kanta kay Xian.

   “I'm down, kausapin mo lang itong manager ko to set the date and the terms–“

“Haven't I told you that I'm quitting?”

      Biglang hinawakan ni Lovie ang kamay ko, “Please h'wag, make the collab happen for me? Sobrang tatanawin kong malaking utang na loob 'yon.”

Napatingin ako kay Mark, he smirked. This manipulative fucker! Alam na alam niya kung paano gagamitin ang charms at koneksyon niya to favor him. Too bad, dahil pagod na ako.

     “Do'n ka sa agency niya makipag-usap, gagawa na ako ng resignation letter.” Hindi ako nagpatinag sa hiling ni Lovie.

Tumayo na ako at dumiretso sa kwarto para magpahinga at lalo pang palakasin ang loob ko na mag-quit na sa trabaho.

Nakahiga na ako sa kama at papikit na sana nang biglang pumasok si Lovie. She was begging for me na h'wag mag quit, she really wants Xian to have a collab with Mark. Pero hindi ko...

    “I'm sorry Lovie, sobrang buti mong kaibigan sa akin. Alam kong marami ka na ring nagawa para sa akin pero kasi...“

“Chrishelle, hindi ako nanghihingi ng kapalit sa lahat ng 'yon. Ito lang, I just want to make Xian happy.” She almost knelt infront of me kung hindi ko siya nahigit.

   Sa tagal na naming magkaibigan ay ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ibang-iba si Lovie ngayon, sobrang makulit at masayahin niyang tao pero grabe ang lungkot at pagmamakaawa niya ngayon para lang sa pangarap ng taong mahal niya.

    “Please, don't quit now. Alam mong hindi sikat si Xian katulad ng iba kaya mahirap niyang makasama sa kanta ang isang Arkin kung walang tulong mo.”

   “Pag-iisipan ko,” sagot ko at lumabas sa kuwarto niya. Naabutan ko si Mark na nasa may sala pa rin pero nilagpasan ko lang siya at lumabas sa unit.

Dali-dali akong naglakad papunta sa elevator, nakasakay na ako doon nang makita ko siyang humahabol. Halos masira ko ang pindutan para lang sumara kaagad 'yon at hindi siya makaabot pero nakaabot pa rin siya.

He ran as fast as he can then hugged me. Sumakto ang pagyakap niya sa akin sa pagsara ng pinto ng elevator. Hindi ko alam kung dahil 'to sa pagbaba ng elevator pero biglang hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko.

Tears escaped from my eyes, “Mark, ayoko na...”

       Lalong humigpit ang yakap niya kahit hindi ko ibinabalik iyon. “I'm sorry.”

Bahagya ko siyang itinulak para makalas ang yakap, tinitigan ko ang mukha niya dahil nagtaka ako sa bigla niyang pagbanggit ng mga katagang 'yon.

Na aalala na ba niya lahat?

      “Pasensiya ka na kung naiinis ka sa akin, susubukan kong magbago. Basta sabihin mo lang sa akin kung anong kailangan kong gawin. Gagawin ko lahat huwag ka lang umalis, huwag ka lang sumuko.”

“Wala kang kailangang gawin. Desisyon kong umayaw, Mark. Karapatan ko naman siguro 'yon 'di ba?”

       “Huwag mo akong iwan.”

Nanginig ang tuhod ko sa huling sinabi niya. Fear and confusion was clearly drawn on his eyes, and that caused pain in my heart. Naaawa ako at nasasaktan para sa kaniya.

   “Chrishelle, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Wala akong maalala na kahit ano tungkol sa'yo pero iba ang nararamdaman ko kapag kasama kita.”

The elevator doors opened already but we stayed inside.

Kinuha niya ang mga kamay ko at ipinatong 'yon sa dibdib niya. “It feels like home when I'm with you.”

I was speechless. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero mas hinigpitan niya ang hawak doon sabay hila sa katawan ko para mayakap ako muli.

“Hindi ko alam kung ganito ka rin pero sinasabi ko lang kung anong totoo sa akin.”

     “Hindi ko rin alam.” Iyon lang ang tanging naisagot ko dahil hindi na rin ako sigurado sa lahat.

I don't even know how to decide for myself anymore.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon