K A B A N A T A - 68

1.5K 32 3
                                    

VERENA'S POV

"Verena?" sa gulat ko ay naitulak ko palayo si Theron, mabuti nalang at hindi siya natumba.

"Kailan pa naging welcome 'yang lalaking 'yan sa pamamahay natin." nagtaka naman ako sa sinabi ni Kuya.

Sandali ko munang tinignan si Theron saka kabadong lumapit kina Ate Gia.

"K-kuya? A-akala ko ba ayos lang na pumunta—-"

"Pero hindi ko parin nakakalimutan yung ginawang katrayduran sayo ng lalaking 'yan." mariing sabi niya saka ako hinawakan sa magkabilang pisngi. "Ano na namang katangahan itong gagawin mo Verena? Oo, pumayag nga ako na dumalaw siya dito kasi sabi mo nga anak siya ni Tita Martina, pero hindi ko sinabing pwede kayo ulit bumalik sa dati." dagdag pa niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Nung nalaman ko na kasi ang lahat ay agad kong kinwento sa kanila yung nangyari pagkatapos nung eksena sa party.

Hindi pa nga makapaniwala sila Mama na mag-ina si Tita Martina at si Theron, pero ako, konting gulat nalang ang naramdaman ko kasi totoo pala lahat nung hinala ko simula palang nung una.

Ilang beses pa akong umiling kay Kuya, hindi niya kasi naiintindihan yung nararamdaman ko ngayon.

"Pero, Kuya...matagal na yun. Hindi mo pa ba siya napapatawad?" tanong ko at napasabunot nalang siya sa kanyang buhok.

"Kung para sayo madali lang kalimutan ang lahat, pero ako bilang Kuya mo, ang hirap kalimutan yung ginawang pananakit sa babaeng minahal ko. Prinsesa ang turing ko sayo Verena, kaya hindi ako ulit makakapayag na masaktan ng isang lalaking tulad niya!" singhal niya sabay turo pa kay Theron.

"Earl, huminahon ka nga," saad ni Ate Gia sabay hawak sa braso nito.

Napatingin naman sa kanya si Kuya at kita ko kung paano lumambot ang ekspresyon nito. Huminga siya ng malalim saka ako muling tinignan.

"Mag-uusap tayo mamaya, hindi pa tayo tapos." mariing sabi niya saka inakay pataas si Ate.

Napanguso naman ako saka bumaling kay Theron na ngayon ay namumutla na sa isang tabi.

"Mukhang kailangan mo ulit bumalik sa umpisa," natatawang sambit ko.

"Verena," nanlaki naman ang mga mata ko ng may dalawang boses ng lalaki na tumawag sa pangalan ko.

"Oh, you're here bro. Haha! What are you doing with my queen?" nalaglag naman ang mga panga ko ng lumapit sakin si Gab sabay akbay saken.

Nakita ko kung paano magsalubong ang kilay ni Theron, at gulat naman siyang napatingin ng biglang sumulpot si Jarrett sa gilid namin bitbit ang isang box ng cupcake.

"Jarrett? Paanong...kilala mo si Gab?" takang tanong sa kanya ni Theron.

Pati naman si Jarrett ay hindi makapaniwalang magkikita ulit silang dalawa matapos ang ilang taon.

"Uhm...oo? Saka, bakit ka nandito?" tanong niya sabay lapag sa mesa nung bitbit niya.

"Damn, I can't believe this." iling na saad nito saka sinamaan ng tingin si Gab na ngayon ay tinutusok-tusok ang pisngi ko gamit ang kanyang isang daliri.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now