K A B A N A T A - 10

2.8K 74 0
                                    

VERENA'S POV

Magmula pa kaninang tanghali, hindi na nagbago ang nararamdaman ko.

Para kong pasan pasan ang sampung sako ng bigas.

Nakakainis lang kasi yung lalaking yun! Kung umasta, akala mo hari ng mga uod.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo, Verena." biglang sabi ni Jarrett, dahilan para mabalik ako sa reyalidad.

Kasama ko kasi siyang naglalakad pauwi sa bahay, medyo hapon na din kasi.

"Wala ito, siguro hindi parin mawala sa pakiramdam ko yung nangyare kahapon sa perya." palusot ko.

Nakita kong tumango tango siya senyal na naniwala siya sa sinabi ko.

d-.-b

Pagdating namin sa tapat ng pinto, lumingon ako kay Jarrett na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatanaw sa bintana ko.

"Woy! Bakit ka nakatingin doon?" tanong ko sabay tingin din doon.

"Wala, pero...may gusto lang sana akong tanungin sayo." sabi niya saka kamot ng batok.

"Ano ba yun?"

"Sino yung lalaking kasama niyo sa bahay? Hindi pa naman dumadating si Earl galing ibang bansa diba?" tanong niya habang nakataas ang kilay.

Magsasalita sana ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad samin si Ina.

Yumuko ako saka nagmano, ganun din ang ginawa ni Jarrett.

"Nakauwi kana pala anak. Pasok, may nilagang mais doon." pagkasabi ni Ina nun ay hinila ko na papasok si Jarrett.

Halatang nagulat pa siya sa ginawa ko.

Nilapag ko pansamantala yung bag naming dalawa sa isang maliit na lamesa sa tabi ng pinto.

Pagkaupo namin ay nilapag na ni Ina sa harapan namin ang umuusok pang mais.

Biglang nagwala ang mga bulate ko.

Binigyan din kami ni Ina ng isang stick, pantusok doon sa mais para di kami mainitan.

Kakagatin ko palang sana yung mais nang biglang sumulpot yung lalaki sa gilid namin dalawa ni Jarrett.

Napatingin ako sakanya, at kita ko ang pamumugto ng mata niya.

Umiyak ba siya? O baka naman naiyak siya kasi wala siyang mais.

"Theron, gising kana pala." biglang sabi ni Ina at nanlaki ang mga mata ko sa narinig ng aking tenga.

Kilala na siya ni Ina? Bakit ako, hindi?

Napangiwi nalang ako saka tuluyan ng kumagat sa mais.

"I also want to eat corn." sabi niya habang nakaturo pa sa kinakain ko.

"Ah, ganun ba. Sige, ikukuha kita---"

"No...Gusto ko yung kinakain ni...Verena." pagkasabi niya ng pangalan ko ay bigla akong nabulunan.

Walang hiya ka!

"Verena!" sigaw ni Jarrett saka nagmadaling inabutan ako ng tubig at hinagod ang likod ko.

Umubo pa ako ng ilang beses, siguro mga labingtatlo.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now