K A B A N A T A - 74

1.7K 38 2
                                    

VERENA'S POV

"TAMA NA KASE!" pinilit kong makasigaw kahit na kinakapos na ako sa paghinga.

Kanina pa kasi ako kinikiliti ni Theron at mukhang wala siyang balak na tantanan ako.

"T-Theron, tama na." nanghihinang sambit ko habang nakapikit at nakabulagta sa kama.

Wala akong narinig na boses mula sa kanya, sa halip ay naramdaman ko na humiga siya sa tabi ko.

Maya-maya pa ay marahan na niya akong hinalikan sa pisngi habang ang mga kamay niya ay hinahaplos ang bewang ko.

Napadilat ako sa ginawa niya saka siya tinitigan ng masama.

"Theron ano na namang ginagawa mo?" walang emosyong tanong ko habang nakatingin sa kawalan.

"Wag nalang tayong umattend sa party mamaya, I'm tired. Saka kakagaling ko lang sa photoshoot kagabi, I want to stay beside you babe. Nanghihina ang katawan ko 'pag hindi kita kasama." bulong niya.

Napabuntong hininga nalang ako saka umayos sa pagkakahiga, mag-gagabi na pero nandito parin kami sa kama at walang balak na bumangon dito.

Mamayang gabi kasi magaganap ang stag party niya, samantalang bridal shower naman yung sa akin.

Mismong si Ate Gia, Stella, at Tita Martina yung nag-organize nung party ko, habang kay Theron naman ay yung Kuya at mga kaibigan niya.

Kailangan daw kasi naming ienjoy ang nalalabing oras naming dalawa bago kami ikasal sa susunod na linggo.

Sa totoo lang ay kinakabahan nga ako kahit na isang buwan namin itong pinaghandaan.

Sila Kuya at pamilya ni Theron yung gumastos sa lahat ng kakailanganin sa kasal namin. Kahit na yung mga damit na gagamitin ay sagot nila.

Di ko talaga inaasahan na ikakasal ako sa lalaking minsan ng naging dahilan ng pag-iyak ko.

Sa isang lalaking hindi ko pinangarap na maging akin. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mamahalin pala namin ang isa't isa diba?

Napangiti nalang ako ng makita ko si Theron na natutulog na pala ngayon sa tabi ko habang ang kamay niya ay nakapulupot sa bewang ko.

Sandali kong pinagmasdan ang payapa niyang pagmumukha, kasi kapag siya ay gising para siyang isang asong dikit ng dikit sa kanyang amo.

Kung anu-ano ang ginagawa niya sakin at parang si Magellan yung kamay niya na gumagala kung saan-saan.

Jusqo, papakasalan ko ba talaga ito? Kasi kung oo, gisingin niyo na ako ngayon palang.

d> <b

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siyang dumilat at ngumiti ng nakakaloko ng mapansin niyang nakatitig ako sa kanya.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now