K A B A N A T A - 46 (ILOCOS NORTE)

1.7K 43 2
                                    

⚠S L I G H T⚠

----------------------------------------------


VERENA'S POV

Bumalik kami sa loob habang tumutulo pa ang tubig galing sa damit namin.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad samin dalawa ni Theron ang mga taong nakatayo mismo sa harapan namin.

Nakaakay ako sa taong walang malay at nakangiti pa kahit nakapikit na ang kanyang mga mata.

Tabi-tabi sila Ina, Ama, Ate Gia, at ang may pinakamasamang awra sa kanilang lahat ay si Kuya Earl, may hawak pa siyang flashlight na nakatutok mismo samin.

"Susmaryahosep! Saan ba kayo nagpupupunta anak! Kanina pa namin kayo hinahanap?" tanong ni Ina sabay abot samin ng dalawang tuwalya.

Tinulungan naman ako ni Ama na akayin papasok si Theron sa kanyang kwarto.

Pabagsak namin itong hiniga dahil mukhang wala na siyang kamalay-malay kahit ilang beses na siyang nahulog sa tubig kanina, at ang masama pa dun ay dinadamay niya pa ako sa kabaliwan niya.

Patawarin nawa ako ng panginoon, boyfriend ko ba talaga ito?! Mukhang adik sa kanto eh!

"Anak, maligo kana dun para mapalitan na yang damit mo." sabi ni Ina na ngayon ay hinahalungkat ang bag ni Theron para kumuha ng damit.

"Sige po." sagot ko saka lumabas ng kwarto.

Halos atakihin naman ako sa puso ng makita ko si Kuya na nakasandal sa may pader habang nakatingin sakin.

"Eh? Kuya, anong ginagawa mo diyan?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Nakatayo." pamimilosopo niya kaya napairap naman ako at tuluyang umakyat sa taas.

Dumiretso ako sa kwarto ko saka kumuha ng damit na pampalit ko pagkatapos kong maligo.

Natipuhan kong suotin yung nag-iisang puting bestida ko na nailigtas ko sa kamay ni Theron.

Hindi ko na alam kung saan napunta ang mga ganung damit ko, hanggang sa natagpuan ko nalang na suot-suot na nung kapitbahay namin.

Yun pala pinamigay na nung lalaking yon nang hindi ko man lang nalalaman.

Mabuti pa nga at di siya pinagalitan nila Ina at Kuya.

Pagpasok ko sa banyo ay kaagad ko namang ginawa ang ilang ritwal ko na ginagawa tuwing naliligo.

Pagkatapos ay lumabas ako ng nakapulupot pa ang tuwalya sa aking ulo.

Natagpuan ko sila Ina na nasa kusina habang nagkwekwentuhan kasama sina Kuya, hindi ko nakita si Theron, siguro ay tulog na siya.

Umakyat muna ako sa taas para magpatuyo ng buhok, at masuklay ito ng maayos.

Nang makita kong ayos na ang itsura ko ay bumaba ulit ako para makakain na.

"Anak, ano bang nangyari kay Theron? Bakit amoy alak ang batang iyon?" tanong ni Ama pagka-upo ko sa tabi niya.

"Hindi ko nga po alam Ama kung saan siya nakakuha ng alak, di ko nga rin po agad nahalata na nakainom pala siya." sagot ko saka sumandok ng kanin.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now