K A B A N A T A - 16

2.5K 65 1
                                    

VERENA'S POV

"Verena! Bakit hindi ka pa bumabangon diyan?!" sigaw ni Ina galing sa labas.

Kanina pa nila ako tinatawag pero ayaw kong bumangon at lumabas.

Hindi ko na din yata kayang pumasok ngayong araw.

Paano ba naman kasi, si Theron! Halos ayaw akong patulugin kagabi!

Natrauma na yata ako, hinding hindi na siya makakatapak pa sa kwartong toh.

"Verena! Isa!" galit paring sigaw ni Ina mula sa labas. "Mag-aalas dies na ng umaga, wala kabang balak pumasok?" dagdag pa niya.

"Anak, ano ba nangyare sayo?!" boses naman ni Ama ang nangibabaw sa labas habang kinakatok ang pintuan ko.

d>>_<<b

Kasalanan mo toh Theron! Magbabayad ka hari ng mga tigre!

"Hindi po ako papasok! Masama po pakiramdam ko!" sagot ko sa kanila habang nakatalukbong parin ng kumot.

"Jusqo! Kaya naman pala, eh bakit ka nagkukulong diyan?! Hindi mo pa daw pinatulog kagabi sa kwarto mo si Theron." nag aalalang sabi ni Ina.

"Siya nalang po tanungin niyo! Magpapahinga muna ako." sagot ko sabay umubo kunwari.

Hanggang sa marinig ko ang boses ni Theron mula sa labas.

Pero hindi ko masyadong marinig ang boses, dahil parang sinasadya niya talagang hinaan.

Dahil na rin sa antok ko, nakatulog na ako ng hindi ko namalayan.





Nang marinig ni Theron ang dahilan ni Verena sa kanyang mga magulang, may naisip siyang plano.

Alam din kasi niya kung ano talaga ang dahilan kung bakit ayaw lumabas ng dalaga.

Kinausap niya ang mga magulang ni Verena na papasok nalang daw siya sa bintana.

Pumayag naman agad sila, saka nagpaalam kay Theron na pupunta muna silang bukid dahil may gagawin pa sila doong trabaho.

Kaya hindi siya nagdalawang isip na pasukin ang kwarto ng dalaga sa pamamagitan ng pagpasok sa bintana.

Nakita niya agad yung dalaga na mahimbing na natutulog at mukhang puyat na puyat.

Pagtapak niya sa loob ay kaagad niya itong nilapitan at umupo sa papag na hinihigaan niya.

Hindi man lang nakaramdam ang dalaga dahil mukhang tulog na tulog nga.

Pag upo niya, yumuko siya agad para titigan ng malapitan ang mukha nung dalaga.

"Mukha kang anghel pag natutulog, pero kapag gising akala mo kung sinong nakawala sa hell." nakangiting wika nung binata kay Verena habang hinahawi ang buhok niyang medyo umikli na.

Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya sa dalaga saka hinalikan ito sa pisngi.

Dahilan para magising ang dalaga at gulat na gulat ang reaksyon niya ng makita niya ang mukha ng binata ang bumungad sakanya.

"Ano na namang ginagawa mo?!" inis niyang tanong saka dali daling bumangon at nagtakip ng kumot.

"Haha! Same reaction, baby." sabi nung binata sa dalaga dahilan para mahampas ito ng unan sa mukha.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now