K A B A N A T A - 54 (ILOCOS NORTE)

1.6K 38 1
                                    

VERENA'S POV

Pagdilat ng mga mata ko ay nakita kong natutulog na sa tabi ko yung dalawa kong aso na nakadapa sa kama.

Hinaplos ko ng marahan ang balahibo nila saka tumingin sa bintana kung saan makikita na ang palubog ng araw.

Nagsabi kasi ako kay Kuya na sa kwarto niya muna ako magpapahinga, mabuti nalang at hindi na siya nagtanong pa kung ano ang dahilan ng pagtulog ko dito.

Naalimpungatan pa nga ako kanina kasi kumatok si Ina, tinatawag niya ako para kumain, ang sinabi ko lang ay hindi pa ako gutom.

Hindi na naman nila ako napilit kasi alam naman nila na kagagaling ko lang sa Hospital.

Kinusot-kusot ko pa yung mga mata ko habang bumabangon sa higaan.

Naagaw naman ng atensyon ko yung isang pumpon ng pulang rosas na nakalapag sa paanan ng kama ni Kuya.

Dinampot ko yun at pinagmasdang mabuti, hanggang sa nakita ko ang isang maliit na puting papel na nakadikit dito.

I'm sorry.

Yun lang ang nakalagay kaya napanguso naman ako kasi hindi ko alam kung para kanino ito at kung kanino ito nanggaling.

Nilapag ko ulit dun saka dahan-dahan na bumaba ng kama, nagsuot ako ng tsinelas saka sumilip sa bintana.

Tanaw ko mula dito sina Kuya Earl, Ate Gia, si Ama at Ina, kasama nung Ama ni Theron na masayang nagkwe-kwentuhan sa tabing dagat.

May mahabang mesa pa kung saan nakalagay yung mga pagkain na pinagkakaabalahang kainin nung tatlong kaibigan ni Theron.

Hinanap pa ng mga mata ko kung nasaan siya, kaso kahit anino niya ay hindi ko nakita dun, pati na rin yung dati niyang kasintahan.

Hindi ko alam kung bakit parang napangiti ako ng mapait habang iniisip kong magkasama sila sa mga oras na ito.

Napapikit nalang ako kasi pakiramdam ko tinutusok unti-unti ng kutsilyo yung puso ko sa hindi malamang dahilan.

Pinakalma ko muna yung sarili ko bago ko napagpasyahang lumabas na ng kwarto ni Kuya.

Bumaba ako sa hagdan saka nagtungo kung saan naroroon sina Ina. Napahinto naman sila sa pag-uusap ng makita nila ako.

"Gising kana pala anak. Halika, kumain ka muna dito. Hindi kapa nagtanghalian kanina kaya sumabay kana kina Russ." napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Ina.

"R-russ? S-sino yu---"

"Hi Verena!" nanlaki ang mga mata ko ng sabay-sabay silang bumati saken.

Kilala na agad nila ako?

d?____?b

Nakangiti silang lumapit sakin at naglahad ng kamay sa harapan ko. Naitikom ko naman ang bibig ko dahil sa pagpipigil ng tawa.

Yung isa ay may hawak na pritong manok, habang yung mukhang inaantok lagi ay may sauce pa sa kamay. At yung isa ay hindi nagpahuli, may nakalagay pa na kanin sa gilid ng labi niya.

Hindi ko na matukoy kung binata na ba sila o mga isip bata dahil sa mga itsura nila ngayon.

Nahalata siguro nila na natulala ako, kaya isa-isa nilang tinago sa kanilang likuran yung mga kamay nila.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now