K A B A N A T A - 69

1.5K 36 1
                                    

⚠️MILD MUNA, SAKA NA YUNG HARD⚠️ 😜 PAPATULONG PA AKO KAY INANG EH, CHAROT!

READ AT YOUR OWN RISK! 😏

———————————————-

VERENA'S POV

Nanonood lang ako saking laptop ng biglang may kumatok saking pintuan.

"Sino 'yan?"

"Anak, may bisita ka sa baba." napahimas naman ako saking sintido dahil halos araw-araw nalang akong may bisita.

Hindi naman ako preso.

"Sige po Ma, lalabas na ako." sagot ko kahit na tamad pa akong bumangon sa pagkakadapa sa kama.

"Sige anak, antayin ka namin sa baba." dinig kong sabi ni Mama.

Napaayos naman ako ng posisyon saka tumingin sa salamin na nakaharap mismo saken.

Gulo-gulo ang buhok ko, malaking T-shirt lang yung suot ko at tanging cycling lang ang doble ko.

Nakakatamad kasing bumangon para mag-ayos, wala naman akong pupuntahan.

d~ ~b

Wala na akong pake kahit na anong sabihin nila sakin pagbaba ko, ang mahalaga ay komportable ako sa suot ko.

Nakapaa lang ako habang bumababa ng hagdan at hindi pa man ako nakakarating sa sala ay tanaw na tanaw ko na ang tatlong lalaking gumugulo sa isipan ko.

Ang aayos ng porma nila, akala mo dadalo sa party o rarampa sa stage.

"Nandyan na pala yung—-bakit ganyan itsura mo?!" inis na tanong ni Kuya habang nakaturo saken.

"Eh, tinatamad ako Kuya, saka ayaw kong magbihis ng damit. Sayang yung sabon panlaba." pagdadahilan ko saka umupo sa huling baitang ng hagdan.

Napataas naman ang kilay ko ng makita ko sila Theron na pare-parehas nakaawang ang mga labi habang nakatitig sakin.

"Oh, nandito na naman ba kayo para guluhin ako?" kunwaring galit ang tono ng pananalita ko.

Tignan ko lang kung sino bibigay sa inyo.

d- - ,b

"No, binibisita lang naman kita at may dala nga pala akong paborito mong Calzone. Hope you like it my queen," unang sumagot ay si Gab na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko.

"Busog pa ako, sayo nalang." palusot ko kahit na nagtutubig na yung bagang ko sa nakikita kong hawak niya.

Hindi naman makapaniwala si Gab kaya bumalik siya sa kanyang kinauupuan.

Sumunod naman ay si Jarrett na may dalang bulaklak at isang box ng cupcake.

"Alam kong gusto mo itong mga dala ko, kaya buong puso kong inaalay sayo prinsesa ko." napanguso naman ako sa sinabi niya.

"Kanina reyna, ngayon prinsesa, ano naman kayang susunod? Baka alila na," pagbibiro ko.

Napakamot naman sa batok si Jarrett saka bumalik din ulit sa kinauupuan niya.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now