K A B A N A T A - 22

2.1K 53 1
                                    

THERON'S POV

Kanina pa ako dito pagala-gala sa sinasabing bayan nila Sinno at Amo.

Binigyan nila ako ng pera, pambili daw ng kung anong gusto ko.

Eh wala namang magandang bilhin dito, anong gagawin ko sa pera?

Sandali akong nag-isip hanggang sa dumako ang mga mata ko sa tindahan ng mga accessories.

May mga bracelet, necklace, at kung ano ano pang pwedeng isabit sa katawan.

Lumapit ako doon sa tindahan at namili ng pwedeng bilhin, ito nalang kasi ang hindi ko pa napupuntahan.

Naisip ko kasing bilhan nalang si Verena ng isang bagay na magugustuhan niya.

Naagaw ng pansin ko ang isang silver na charm bracelet. Dinampot ko saka pinagmasdan ng mabuti.

May nakasabit na maliit na cross, flower na color pink, crescent moon, at hearts.

"Miss! How much is this?" tanong ko doon sa babaeng medyo kasing-edad ko lang.

Pagharap niya ay natulala pa siya saken. Habang ako naman ay halos mangalay na kasi nakalutang pa sa ere yung kamay ko hawak hawak yung bracelet.

"Miss! I said, how much is---"

"Ah, pasensya na po." nakayukong sabi niya saka naglakad patungo sakin para kunin yung bracelet.

"Magkano yan?" boring na tanong ko sa kanya.

"550 po S-sir." sagot niya.

Napatango naman ako saka iniabot sa kanya yung isang libo.

Nilagay niya yun sa color black na box saka binigay saken.

Akmang aalis na ako ng bigla niya akong tawagin. Napahinto ako sa paglalakad at inantay ang sasabihin niya habang nakatalikod ako.

"Sir! Sukli niyo po." dinig kong sabi niya.

"Keep it." walang ganang sagot ko saka umalis sa tindahan na yun.

Nakakaewan naman yung tindera nun, anong karapatan niyang tignan ang gwapo kong mukha?

What the fuck! Ugghhh! Makapaghilamos nga mamaya.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad saka pumara ng tricycle pauwi sa bahay nila Verena.

---

Pagdating ko sa bahay nila, nakita kong sarado ang pintuan kaya kumatok muna ako.

Ilang beses ko pang inulit ang pagkatok hanggang sa bumukas yun, bumungad sakin ang isang lalaki.

Who are you?

Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin saken, yung mga tingin na para bang ang tagal na niya akong kilala kahit hindi pa naman.

"Nasaan si Verena?" tanong ko habang nakatingin sa likuran niya.

"Anong kailangan mo sa kapatid ko?" walang emosyong tanong niya.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon