K A B A N A T A - 27

1.9K 47 1
                                    

VERENA'S POV

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas.

Hindi ko na alam kung anong oras pero parang hapon na.

Bumangon ako ng dahan-dahan kasabay nun ang pagsakit ng ulo ko.

Napahawak pa ako sa noo ko at nakapa ko na naman ang benda na nakapulupot pala sa buong ulo ko.

dO__Ob

Bigla kong naalala ang nangyari kanina sa burol, nanguha ako ng mangga tapos...tapos...tapos...

"NAHULOG AKO?!" sigaw ko.

Bigla namang bumukas ng malakas ang pinto at niluwa nito si Ina kasama si Kuya.

"Anak? Bakit ka sumigaw? May masakit ba?" nag aalalang tanong ni Ina pero umiling lang ako.

Napansin ko si Kuya na basang basa ang damit at gulo gulo ang buhok niya.

"Kuya? Ano nangyare sayo?" takang tanong ko habang pinapasadahan ng tingin ang katawan niya.

"Kasalanan ito nung lalaking yun eh!" nakangusong sigaw niya.

Habang si Ina naman ay nagpipigil ng tawa sa tabi ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang may marinig akong isang tahol ng aso.

"Aso," mahinang bulong ko at napatingin sa pinto.

"Arf arf arf!" sunud-sunod na tahol nung isang asong chihuahua na kulay puti.

"Waaahhhhh!!!" napatili ako at sinalubong ang asong pumatong sa kama ko.

"Ang cuutteeeee!" gigil na sabi ko at hinaplos haplos ang katawan nito.

Napanganga naman ako ng may pumasok pang isang aso at kulay itim naman ito.

Kaso...bakit may kagat kagat siyang tela sa kanyang bunganga?

"Arf arf!" tahol niya at pumatong din sa kama ko.

Binitbit ko yung dalawa at tumingin kay Kuya na ngayon ay nakangiti sakin.

"Kuya, ikaw bumili nito?" tanong ko sabay yakap sa dalawa.

"Pinabili ko kina Ama at Ina kanina, diba nagtanong kapa nga kung nasaan sila kanina? Yan! Yan yung binili nila, para sayo." sagot niya sabay hinubad ang suot niyang T-shirt dahil basa na nga ito.

Napangiti nalang ako saka pinang-gigilan ang dalawang aso na ngayon ay nasa harapan ko na.

Matagal ko nang pangarap na magkaroon ng aso, lagi ko itong sinasabi kay Kuya nung bata palang kami.

Kapag nakakita ako ng aso, kahit saan ay hinahawakan ko.

Kahit asong gala nga eh.

"Anak, nagugutom kana ba? May ulam na dun. Kain na tayo." saad ni Ina.

"Sige po, susunod nalang ako sa hapag kainan." sagot ko naman.

"Baka mamaya di kana kumain dahil sa aso mo hah," natatawang sabi ni Kuya.

"Hindi noh. Nga pala, salamat Kuya." sabi ko saka tumayo at niyakap siya.

"Welcome bunso, sumunod kana dun hah." sabi niya saka lumabas sa kwarto ko.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now