K A B A N A T A - 38

1.7K 46 0
                                    

THERON'S POV

Nang makauwi kami sa bahay ay walang ni isa ang nagtangkang magsalita sa pagitan namin ni Verena.

Walang emosyong makikita sa kanyang mukha kaya hindi ko naman maiwasang magtaka sa inaasta niya.

Bago pa man siya makapasok sa kanilang gate ay humarang na agad ako dito.

"Verena, may problema ba?" masuyong tanong ko saka hinawakan ang kanyang pisngi.

"W-wala, pagod lang ako." sagot niya at akmang papasok sa loob pero humarang ako ulit.

"You're not telling the truth." seryosong sabi ko na nakaagaw ng kanyang atensyon.

"Theron, pagod ako. Gusto kong magpahinga, kung gusto mo akong makausap, bukas nalang. Pakiusap." mahinahong sabi niya saka tuluyang pumasok sa loob.

Pinagmasdan ko nalang siyang maglakad hanggang sa magsara ang kanilang pintuan.

What's wrong with her? May nasabi ba akong hindi maganda? May nagawa ba akong masama? Shit! Mababaliw ako neto kakaisip.

d>_<b

Napahilamos nalang ang palad ko sa aking mukha saka napagpasyahang sumunod sa kanya sa loob.

Pagpasok ko ay nakita ko si Earl sa may sala nila habang nakatingin sa pintuan ng kwarto ng kapatid niya, kaya agad ko naman siyang pinuntahan.

"Earl, what's wrong with her?" tanong ko habang nakakunot ang aking noo.

Sinenyasan niya akong maupo sa katapat niyang upuan kaya agad ko naman itong sinunod.

"Bigo ba ang misyon?" tanong niya sabay higop sa hawak niyang baso.

"No, hindi naman. Pero, bakit parang galit siya saken?" takang tanong ko pero tumawa lang siya.

d-_-b

Pustahan, hindi rin ito matinong kausap.

"Dapat masanay kana diyan sa kapatid ko, mabilis yang magbago ng emosyon. Kaya kapag nagagalit na siya, wag mo nang sabayan. Pero kasi, dalawa lang ang pwedeng maging dahilan niyan." bahagya namang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Ano naman?"

"Pwedeng nagugutom siya o di kaya may dalaw. Hindi ko man siya nakasama ng ilang taon, pero alam ko ang ikot ng bituka nang babaeng yan." nakangising sagot nito kaya di ko naman maiwasang ngumiti.

Naalala kong hindi pala siya nakakain kanina nang dahil sa nangyare, medyo sumasakit pa nga yung pisngi ko sa suntok nang lalaking yun pero di ko na ito pinahalata pa.

"Then, what should I do?" tanong ko na ikinangisi naman niya.

Lumapit siya saken at binulong ang sagot niya sa tanong ko, hindi ko naman maiwasang kilabutan sa sinabi niya.

Hanggang sa marinig ko nalang ang pagsara ng pinto nang kanyang kwarto.

Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig, para kasi akong kinakabahan na hindi maintindihan.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon