K A B A N A T A - 36

1.9K 44 0
                                    

VERENA'S POV

Napalayo ako sa kanya at tinitigan ang kanyang mga mata, sinusuri kung totoo ba talaga ang mga sinasabi niya.

Pero kahit isang porsyento, ay wala akong nakitang pagkukunwari o bahid ng kasinungalingan.

Paano nangyari yun? Bakit ang bilis naman yata niya?

"Seryoso ka diyan?!" tanong ko sa kanya pero nginisian niya lang ako.

"Oo, kaya magmula ngayon akin ka---" pinutol ko ang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagpitik ko sa kanyang noo.

"Ouch! Para saan naman yun?!" inis niyang tanong habang hinihimas ang noo niya.

"Ayan! Gising kana sa katotohanan." sabi ko sabay palakpak.

"Verena!" sigaw niya kaya natahimik naman ako at naiwang nakalutang sa ere ang dalawa kong kamay.

Nakita ko kung paano magsalubong ang kilay niya, kasabay nun ang pagtaas baba ng kanyang lalamunan.

Ayan na, magiging tigre na siya!

dO___Ob

"Ibaba mo yan." mariin niyang utos pero hindi ko alam kung bakit di ko na magalaw yung mga kamay ko.

Hala! Naging estatwa na yata ako dito.

"Ibaba mo yan Verena. Magbibilang ako," ako naman ang napalunok sa sinabi niya.

"Oh ayan na." nakangusong sabi ko sabay dampot ng sapatos ko sa sahig.

"Tss, ang manhid mo naman." bulong niya kaya napatingala naman ako sa kanya.

"Ano bang gusto mong gawin ko?" tanong ko sa kanya.

Nakapamulsa pa siya habang nakatitig saken, sinuot ko nalang yung sapatos ko bago ako tumayo sa harapan niya.

"Wala ka man lang reaksyon sa sinabi ko sayo kanina?" sarkastikong tanong niya.

Napahawak naman ako sa baba ko para kunwari nag-iisip ako ng isasagot ko sa kanya kahit wala naman.

"Ano bang dapat sabihin ko?" pabalik kong tanong kaya mas lalong lumawak ang ngiti niyang nakakaloko.

"Tell me that...you love me too." nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Huh? Swerte mo naman."

"Yah, I'm so lucky because I met you." napangiwi naman ako sa walang kwentang sagot niya.

"Tigilan moko Theron. Alam mo namang hindi pwede---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon ng walang pag-aalinlangan.

"Trust me, hindi yun magagalit. Baka nga mas lalo pa siyang matuwa eh." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko pero nginitian niya lang ako.

"Dapat na ba akong magpasalamat sa Kuya mo dahil sa ginawa niya saken? Well, sa tingin ko ay deserve naman siyang pasalamatan. Nalinawan ang isipan ko, pati ang puso kong ginulo mo." napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now