K A B A N A T A - 45 (ILOCOS NORTE)

1.7K 39 0
                                    

VERENA'S POV

Hindi ako makapaniwalang nandito si Jarrett ngayon, nararamdaman at kayakap ko sa mga oras na ito.

Nakapa ko ang damit niya at para siyang nakapang-alis, hindi ko man nakikita pero ramdam kong umiiyak siya ngayon sa balikat ko.

"J-jarrett? U-umiiyak kaba?" tanong ko at sinubukan kong kumalas sa yakap niya pero mas lalo niya lang hinigpitan.

"Verena, kahit ngayon lang, manatili ka sa yakap ko, please?" nanghihinang sabi niya kaya tinapik ko naman siya sa likuran.

Mas lalong nagulo ang isipan ko dahil sa nangyayare ngayon. Mas lalong dumagdag ang mga tanong sa isipan ko.

Anong ginagawa niya dito? Paano niya kami nasundan? Saka, saan siya pupunta?

"Aalis na ako, Verena." para akong nabingi sa sinabi niya.

Sa gulat ko ay napahiwalay ako sa yakap niya at tinitigan siya ng may halong pagtataka.

"Ano? Bakit? Saan ka pupunta? Paano na yung pag-aaral mo?" sunud-sunod kong tanong pero nanatili lang siyang nakayuko.

Huminga ako ng malalim saka dinala siya sa isang bangko at pinaupo habang hawak ng mahigpit ang kamay niya.

May konting liwanag na binibigay ang kalangitan kaya medyo nasisilayan ko na ang mukha niya.

Nakasuot siya ng sumbrero at jacket, may bitbit siyang packbag na nakasabit sa kanyang balikat.

"Jarrett, kung biro lang yang sinasabi mo, hindi na nakakatuwa." bigla namang pumiyok ang boses ko sa dulo.

Dinig kong humikbi siya kaya pati ako ay nahahawa na rin sa kadramahan niya.

Ito ang unang pagkakataon na umiyak siya mismo sa harapan ko, sa pagkakaalam ko kasi ay matatag na tao si Jarrett, pero bakit ngayon sakin niya lang pinapakita ang kahinaan niya?

"Hindi ako nagbibiro at kahit kailan, hindi ako nagbitaw ng salitang biro sayo. Lahat ng mga lumalabas sa bibig ko, ay puro totoo." sabi niya habang pinupunasan ang kanyang luha.

Naalala ko bigla lahat nung mga panahong magkasama kami ni Jarrett, lagi siyang may sinasabi saken pero iniisip ko lang na biro lang ang lahat ng iyon.

Kilala ko siyang masiyahin kaya hindi ko pa siya nakikitang umiyak ng ganito, siguro ay sadyang labag sa kalooban niya ang pag-alis.

"Paano na yung pag-aaral mo?" tanong ko.

Ilang beses pa siyang nagpunas ng luha bago niya ako hinarap ng nakangiti, kahit halatang ang lungkot na ng mga mata niya.

Meron pa pala siyang ibang talento maliban sa pagpapangiti saken...
magaling siya magtago ng kanyang nararamdaman.

"Isang sem nalang naman, pwede ko na yun kunin sa ibang eskwelahan." sagot niya.

"Saan kaba pupunta? Bakit ganyan kana lang magdrama? Nako, Jarrett pwede kana yatang mag-artista." biro ko pero hindi man lang ako nakarinig kahit konting tawa sa kanya.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon