K A B A N A T A - 59

1.5K 36 4
                                    

VERENA'S POV

Pagkatapos naming kumain dun ay kaagad din kaming dinala ni Gab sa isang bahay, o sabihin na nating isang mansyon.

Kahit hindi pa ako lumalabas ng sasakyan ay damang-dama ko na kung gaano kayaman ang may-ari nito.

Parang nakakahiya namang itapak yung paa kong galing sa lupa.

d~_~b

"Ay tae ng baboy!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng biglang may kumatok sa bintana.

Si Gab pala na sinesenyasan akong lumabas na ng sasakyan, kaya palihim ko naman siyang inismiran.

Paglabas ko ay doon ko nadama ang lamig ng klima dito sa bansa, mabuti nalang at nakasuot ako ng sweatshirt, para kahit papano may panangga pa ako sa lamig.

Sandali kong pinagmasdan yung bahay, at sa tingin ko ay pwede ng tumira dito ang buong baryo namin sa Isabela sa laki nito.

Hehe, biro lang. Tama lang naman yung laki.

d^.^b

"Andiamo dentro." nakangiting sambit ni Gab na ngayon ay buhat buhat na ang maleta ko.

( Let's go inside. )

"H-hoy! Saan mo dadalhin yang gamit ko? Amin na nga!" inis kong wika at akmang kukunin yung gamit sa kanya pero pinigilan na ako ni Kuya.

Napatingin ako kay Gab na ngayon ay gulat na gulat ang mukha habang nakatingin saken.

"Mi dispiace Gab, era semplicemente sorpresa perché tu avevi il suo bagaglio." sabi ni Kuya sabay hila saken palayo ng konti dun sa kinaroroonan nung lalake.

( I'm sorry Gab, she was just surprised because you was carrying her luggage. )

"Ano ba Verena? Sa tingin mo naiintindihan niya yung sinasabi mo?" gigil na tanong saken ni Kuya.

"Bakit Kuya? Sa tingin mo naiintindihan ko rin yung mga pinagsasasabi niyong dalawa?" nakangusong sabi ko saka lumayo sa kanya.

"Aish, masasanay ka rin. Kaya parang awa mo na bunso, wag kang umasta ng ganun sa harapan niya. Lalo na sa Tita niya kase sila yung tanging tutulong sayo." seryosong wika niya.

"Earl! Che stai facendo li? Andiamo dentro." dinig naming sabi ni Gab kaya napatingin naman ako kay Kuya.

( Earl! What are you doing there? Let's go inside. )

Hinila niya ako palapit dun saka sabay na pumasok sa loob.

Dumiretso kami sa may sala ng bahay kung saan tanaw na tanaw yung malawak na garden.

"Resta qui, chiamerò solo zia Martina." hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya kaya pinagmasdan ko nalang ulit yung loob ng bahay.

( Stay here, I'll just call Aunt Martina. )

"Vai avanti," sagot naman ni Kuya sabay upo dun sa isang malawak na sofa na agad ko namang sinundan.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now