K A B A N A T A - 25

2.2K 47 0
                                    

THERON'S POV

Mag-isa ako ngayong nakaupo sa may sala nila Verena habang kumakain ng saging.

Naka-indian seat pa sa sofa nila, pachill chill lang. Gusto ko muna kasing malimutan ang eksenang nangyari kanina.

Mahirap mang aminin pero...shit! Kinilig ako kanina! What the hell?!

Napaubo pa ako nang bumara sa lalamunan ko yung kinakain kong saging.

Mabuti nalang at ready ako, may nilapag na akong basong may tubig sa lamesa.

Ininom ko yun, pero muntikan ko naman itong maibuga nang may marinig akong boses na nanggagaling sa may kusina.

"Gia? Babe?" boses nang lalaki ang narinig ko.

Kaya iniwan ko yung baso ko dun, saka patagong sumilip sa may kitchen nila.

Nakita ko yung Kuya ni Verena na may kausap sa kanyang cellphone habang nilalaro ang kutsara sa kamay niya.

Yuck! Babe?! May girlfriend pa pala itong lalaking toh?

Instead of walking away the kitchen, nanatili akong nakinig sa usapan nila.

"Miss na po kita," malambing niyang sabi.

Napangiwi nalang ako dahil saksi ang dalawang mata ko kung paano siya mamula habang kinakausap ang girlfriend niya.

Tss, bakla!

"Magkikita rin tayo, malapit na." dagdag pa niya.

Wow! Long Distance Relationship?

"Hindi pa...Pero sigurado akong malapit ko nang masabi sa kanila itong relasyon natin." seryosong sabi niya.

Hindi ba nila alam na lumalandi na pala itong anak nila? Just kidding!

"Ipapakilala kita sa kapatid ko sa tamang panahon."

Napaismid nalang ako saka tuluyang nilisan ang tinataguan ko.

Pinagpatuloy ko ang pag-kain ko ng saging habang nakaupo parin sa sofa.

Hindi pa ako nangangalahati sa pagkagat, na-stack na sa bibig ko ang saging habang nakatingin sa kanya.

Nakita kong lumabas siya sa kanyang kwarto habang suot ang white spaghetti strap dress na hanggang tuhod niya lang.

Nakalugay pa ang kanyang straight na buhok.

Dumiretso sa lalamunan ko yung saging habang nakatitig sa kanya.

Kumalma ka dude, not now!

Mabilis kong dinampot ang baso at nilagok lahat nang laman nun.

Naagaw ng atensyon ko ang kanyang wrist, hindi pa niya sinuot yun?

Naglakad siya palapit sakin at lalo akong naninigas sa kinauupuan ko.

"Asan sila Ina?" tanong niya habang namumungay pa ang kanyang mga mata.

Hindi ko maiwasang matulala sa mukha niya, it looks like a magnet to my eyes.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon