K A B A N A T A - 04

3.8K 85 0
                                    

THERON'S POV

"Yaya!!! Can you please get me more drinks?!" inis kong sigaw.

Nandito ako ngayon sa may pool area, nag iinom mag isa.

Siguro, dahil wala na akong magawa sa buhay.

"What the hell?! Ang tagal!!!" sigaw ko pa, na halos mapaos na ako.

"Sir, Ito na po." natatarantang nilapag ni Yaya ang mga alak sa harapan ko saka nagmadaling umalis.

Pinapasahod, ang bagal kumilos!

Nagagawa ko lahat ngayon kasi wala sila Kuya at Dad dito sa mansyon.

May out of the country business I don't fucking care! Lagi nalang akong iniiwan mag isa dito!

Tuwing nandito kasi sila, kinakampihan nila yung mga katulog kesa saken.

Baka mas gusto nilang maging anak sila Yaya, kaya ganun.

Nilagok ko ang mga alak na nandito ngayon sa harap ko.

Unti unti ng nanlalabo ang mga mata ko, siguro dahil sa lasing na ako.

Tatayo na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko.

Sumalubong ang kilay ko ng makita ko si Aviana, my fucking ex-girlfriend.

Bakit nandito itong haliparot na toh? Kung sino man nagpapasok sakanya, well mag balot balot na sila dahil ipapakaladkad ko sila kasama ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

Naiyukom ko ang mga kamao ko ng haplusin niya ang pisngi ko, pilit akong umiwas.

"Babe, don't you miss me?" malanding tanong niya dahilan para itulak ko siya palayo.

"Fuck!" sigaw ko saka pinasadahan siya ng tingin. "Don't call me Babe! Kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng girlfriend katulad mo!" singhal ko pa.

Nakita ko pa ang suot niyang halos ibalandra na ang buong kaluluwa niya sa mga tao.

Nadidiri ako sayo, shit! Hindi ko malaman kung paano kita naging girlfriend!

Nagkakapalan pa ang mga make up na nakalagay sa makapal niyang pagmumukha.

Lumapit siya saken at sinubukan akong hawakan pero agad ko siyang pinigilan.

Hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso at kitang kita ko sa mga mata niya ang sakit.

"Ouch! Masakit---"

"Talagang masasaktan ka kung hindi ka lalayas ngayon sa harapan ko!" sigaw ko at mas lalong hinigpitan ang pagkahawak sa braso niya.

"Hey! B-bitiwan mo ako!" sigaw niya at buong lakas na hinila palayo ang braso niya saken.

Akmang maglalakad ako palayo pero bigla niya akong hinila pabalik at hinalikan ako sa labi.

"I m-miss y-you, B-babe." she said between out kisses.

Lumalalim ang paghalik niya, pero hindi ko yun nagugustuhan.

Tinulak ko siya ng pagka-lakas lakas na halos maputol na ang heels niya sa pagkatumba.

"Stay away from me, bitch! Kilala ba kita?!" inis kong sigaw saka nagmartsa papasok sa loob.

Nakasalubong ko ang mga guards na patungo doon sa pool.

Sige, damputin niyo yang babaeng malandi!

Dumiretso ako sa CR saka binabad ang sarili sa bath tub.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now