K A B A N A T A - 03

4.7K 101 3
                                    

VERENA'S POV

Nasa daan ako patungong eskwelahan ng biglang may sumitsit sa akin.

Napalingon agad ako at halos atakihin ako sa puso ng bumungad sa harapan ko si Jarrett, may dala na naman siyang bulaklak.

Tinignan ko ang itsura niya, mas lalo siyang gumagwapo kasi nakadamit na siya.

Sira! Malamang magdadamit talaga siya! Alangan namang nakahubad siya papasok diba?

Ginulo niya ang buhok ko saka sumabay sa paglalakad ko.

"Ayos kalang?" tanong niya habang nilalagay sa tenga ko ang bulaklak na Lily, kulay puti.

"Ayos lang." tipid kong sagot.

"Mukhang matamlay ka ah, may sakit kaba?" tanong niya saka dinampi ang palad niya sa leeg ko.

Sa gulat ko nailayo ko agad ang kamay niya at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"Pasensya na, nagulat lang ako." sabi ko saka pinagpatuloy ang paglalakad.

"Ayos lang, mukhang ang lalim kasi ng iniisip mo eh." saad niya sabay kamot sa batok.

Hindi na ako sumagot, nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

"Verena! Nahulog mo yung panyo mo!" sigaw ni Jarrett mula sa likuran ko.

Kinapa kapa ko yung bulsa nung palda ko, wala nga.

Humarap ako sakanya, at sa hindi inaasahang pagkakataon...

dO__Ob

Aksidenteng naitulak nung isang lalaki si Jarrett, kaya tumumba ang katawan niya sakin at...

dO__Ob

*DUG DUG DUG DUG DUG*

Sumubsob ang mukha niya sa leeg ko, habang nakapatong sakin.

Nakahiga na kami parehas ngayon sa daan.

Tumingin saken si Jarrett at nakita ko ang pagkailang niya sa posisyon namin ngayon, kaya agad naman siyang tumayo.

Inabot niya saken yung kamay niya saka tinulungan akong bumangon sa pagkakahiga.

"Pasensya na, Verena...May n-nanulak kasi saken k-kaya ako nasubsob s-sayo." utal utal niyang sabi.

Ako naman 'tong si tulala at hindi makapaniwala sa nangyari.

Pinagpagan niya ako sa damit dahil may kumapit nang dumi sa uniporme ko.

Saka niya inabot yung panyo ko saken.

"S-salamat." sabi ko saka tuluyang tumalikod sa kanya.

Wala ako sa sariling naglakad papasok sa eskwelahan.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nailang sakanya. Dahil ba 'to sa sinabi ni Ina?

d>_<b

Habang naghihintay ako sa pagpasok ng professor namin, biglang lumapit saken si Stella, kaibigan ko.

"Kumusta ka na?" nakangiting bati niya saka tumabi saken at hinalikan ako sa pisngi.

"A-ayos lang." sagot ko at tumingin sa sahig.

My Probinsyana Girlजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें