K A B A N A T A - 73

1.7K 45 1
                                    

VERENA'S POV

Nagising ako sa isang tahimik at payapang umaga. Sa tuwing gigising kasi ako, yung iyak ni Ash ang unang naririnig ko, pero ngayon wala.

Bumangon ako saking higaan at hindi ko alam kung bakit biglang dumapo ang mga mata ko sa kalendaryo.

Araw ng pasko ngayon at bumalik din saking alaala ang pangyayaring 'yon, ilang taon na ang nakalipas.

Ang bilis ng panahon, pero bakit ganun? Parang ang tagal maghilom ng sugat na meron ako?

Napabuntong hininga nalang ako saka nakipagtitigan sa repleksyon ko sa salamin.

"Verena, tigil na okay? Nakamove on kana, hindi na dapat bumabalik sa alaala mo ang mga bagay na nakakasakit sayo." sabi ko saking sarili.

Ito na siguro ang epekto ng pagtambay ko sa bahay, nawawala ako sa sarili at kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

Lumabas ako ng aking kwarto habang nagtatanggal pa ng muta saking mata.

Para akong tanga dito na naghahanap ng pagkain sa mesa, dati-rati naman ay may nakahandang almusal pag gising ko, PERO BAKIT NGAYON, WALA?!

Napahilamos nalang ang palad ko saking mukha saka umupo sa sofa at tumingala sa kisame.

"Mama! Nasaan ba kayo?!" pasigaw kong tanong, pero nag-echo lang ang boses ko sa buong bahay.

Anak ng...nasaan sila?! Bakit nila ako iniwan mag-isa dito?!

dTT^TTb

Para akong batang iniwan ng Ina sa isang parke ngayon. Patakbo akong bumalik sa kwarto ko saka hinanap ang aking cellphone.

Kung ayaw niyong magpakita, pwes tatawagan ko nalang kayo.

Halos itaob ko na ang kama ko pati ang lalagyan ko ng damit, wala parin akong makitang cellphone.

"Talaga naman oh!" naiinis na ako ngayon at para na akong isang bulkan na malapit ng sumabog.

Paano na ako ngayon?!

Sa kakalibot ng mga mata ko saking kwarto ay biglang naagaw ng atensyon ko ang isang puting kahon sa tabi ng aking pintuan.

Hindi ako nagdalawang isip na buksan yun at tignan kung anong laman.

Napakunot nalang ang aking noo ng makita ko ang isang long backless dress na kulay itim, may kasama pa itong black stiletto heels.

Para saan naman ito? Wala naman akong natatandaan na may ganito akong damit.

Kinalkal ko yung kahon hanggang sa matagpuan ko ang isang puting papel.

Wag mo ng tangkaing hanapin ang cellphone mo, nasa akin na. Saka yung damit na hawak mo ngayon, suotin mo yan saka ka pumunta sa address na nakasulat sa likod ng papel na ito.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now