K A B A N A T A - 65

1.5K 39 2
                                    

⚠️A/N:
Sorry, di ako nakatiis hindi mag-update.😂

THERON'S POV

"Wake up bro! Tumawag na si Mommy! Minove na yung oras ng photoshoot mo!" napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sinabi ni Russ.

"What?! Sabi mo kagabi hapon pa, bakit napaaga?" tanong ko.

"Yung mga Directors daw yung nag-order nun. Wala namang nagawa sila Mommy," sagot niya.

Napailing nalang ako sa kawalan saka dumiretso sa CR para makaligo na. Pagkatapos ay nagsuot nalang ako ng maong pants at white long sleeves.

Paglabas ko ay nakita kong dala-dala na ni Russ yung mga dadalhin kong gamit, lagi siyang ganito saken kaya kulang nalang talaga magsuot na siya ng damit pang-katulong.

Meron naman siyang pwedeng pagkaabalahan tulad ng bar niya sa Laguna, bakit ako yung priority niya?

Pagdating namin ng parking lot ay siya na din yung nagdrive patungo sa lugar kung saan magaganap yung shooting.

Sa dami-dami na ng kumukuha sakin bilang model, ay may mga nakakakilala na din saken, kaya parang may limit na yung pagpunta ko kung saan-saan.

——-

Pagpasok namin sa loob ay agad din akong inayusan ng mga stylist saka pinagpalit ng damit.

Akala ko ay sasalang na agad ako pero hindi pa daw dumadating yung photographer kaya nag-antay pa kami ng ilang minuto.

Si Russ ay nakita kong natutulog sa isang sofa dito sa dressing room, at mukhang puyat pa ang isang toh.

May binigay saming maskara na gagamitin daw namin, ayaw ko pa sanang suotin yun pero pinasuot na agad samin para ready na mamaya.

Napagpasyahan ko na panoorin muna yung mga naunang models, wala naman kasi akong magawa sa loob kaya lumabas ako.

Pero sa kasamaang palad ay parang nananaginip pa yata ako, kaya napasampal pa ako saking pisngi para magising.

Kaya ang ending ay nasaktan ko lang ang sarili ko.

Kitang-kita kasi mismo ng dalawa kong mata na si Verena yung photographer namin ngayon.

Hindi ako makapaniwalang sa ganitong klaseng lugar ko siya ulit makikita.

Parang hindi na siya yung babaeng nakita at nakasama ko eight years ago, ang laki na kasi ng pinagbago niya.

Lalo na ang kanyang pangangatawan at pananamit, at ng sandaling tumayo siya ng maayos ay muli kong nasilayan ng buong-buo ang kanyang mukha.

As in laglag ang panga ko ng makita ko siya.

Gustung-gusto ko siyang lapitan at kausapin pero hindi ko magawa kasi nagtatalo mismo ang utak at puso ko sa gusto kong gawin.

Parang yung isa ay sinasabing matagal na panahon na ang lumipas, bakit ko pa siya lalapitan at kakausapin? Para saan pa?

Samantalang yung isa ay pilit akong pinagtutulakan palapit sa kanya.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon