SPECIAL CHAPTER 2

2K 38 0
                                    

AFTER A MONTH

"Nandyan na yung mga gatas ni Ashlauxe sa cabinet Aira hah? Wag mong kakalimutan."

"Pakainin mo mamaya yung mga aso saka paliguan mo na rin,"

"Meron ng pagkain na nakahain sa mesa anak, kumain kana lang pag gusto mo na."

"Isarado mo ng ayos yung pinto at gate kung aalis ka."

Halos marindi na ako sa mga paalala nila sakin. Parang kung magbilin sila ay mawawala sila ng limang taon, eh diyan lang naman sa tabi-tabi ang punta nila.

"Opo Ate, Kuya, Mama, Papa, susundin ko po lahat ng sinabi niyo." nakangusong sagot ko habang inaalo yung pamangkin kong isang taon na pala.

"Dapat lang, baka gusto mong di kita bilhan ng saging. Maglaway ka diyan." banta sakin ni Kuya.

Lalong humaba ang nguso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko nga alam kung bakit nitong mga nakaraang araw ay nahihilig ako sa mga prutas, lalong-lalo na sa saging.

At tuwing umaga paggising ko ay parang ang bigat ng katawan ko, yung pakiramdam na nahihilo at nasusuka ka ng walang dahilan.

Jusqo, may sakit na yata ako, kailangan ko na yatang magpacheck-up.

Meron pa ngang araw na minsan ay sobrang saya ng nararamdaman ko, pero makalipas lang ng ilang minuto ay parang gusto ko ng manapak ng tao.

Ano na kayang nangyayare saken?

"Verena? Narinig mo ba yung sinabi ni Mama?" nabalik lang ako saking wisyo ng magsalita si Kuya.

"Ah, opo." sagot ko nalang kahit na di ko naman talaga narinig yung sinabi niya.

"Mabuti naman anak, sige, aalis na kami hah?" paalam ni Mama saka naunang lumabas kasunod ni Papa.

Si Ate naman ay hinalikan ang kanyang anak na nakabuhat sakin, at ang panghuli ay si Kuya na naniningkit ang mga mata habang nakatingin saken.

"Ano?" maangas kong tanong pero nag-iwas lang siya ng tingin at sumunod na din kina Ate.

Napabuntong hininga nalang ako saka nilapag sa stroller si Ash para malaya muna akong makagalaw.

Nangangalay na kasi yung balakang ko, parang gusto ko ng humiga at matulog pero alam kong hindi pwede kasi may binabantayan akong bata.

Binuksan ko nalang yung TV at nilagay sa cartoon channel para malibang yung bata.

Sinarado ko muna yung main door saka pumuntang kusina para kumuha ng makakain naming dalawa ni Ash.

Malayo pa man ako ay nanuot na agad sa ilong ko ang amoy ng adobo, at sa mga oras na ito ay parang bumaliktad na naman ang sikmura ko.

Napatakip ako saking bibig at dali-daling nagtungo sa banyo para doon sumuka sa bowl.

Nanghihina ang buong katawan ko at parang nanilim bigla ang paningin ko.

Habol ko ang sarili kong hininga habang nakatitig ako saking repleksyon sa salamin.

"Verena ano bang nangyayare sayo?" tanong ko saking sarili.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now