K A B A N A T A - 32

1.9K 43 2
                                    

VERENA'S POV

Pagdating namin sa bahay ay agad akong pinapunta ni Ina sa kwarto para matuloy ko na daw ang pagpapahinga ko.

Nagbihis muna ako ng pantulog bago ako naglakad ng dahan-dahan papuntang papag.

Pagkahiga ko ay bigla kong naalala yung nangyari kanina sa Hospital.

Nakakahiya! Bakit niya ba kasi ako hinalikan?!

Mabuti nalang talaga at napahiwalay agad ako sa kanya ng may maramdaman akong papasok sa kwarto.

Malalagot ako nito kay Kuya kapag nalaman niya ang nangyari.

Napatingin ako sa pinto ng biglang may kumatok at pumasok si Theron sa loob.

Heto na naman po tayo.

"Uhm, may...kukunin lang ako." sabi niya saka nagtungo sa aparador ko.

May hinalungkat siya dun, nakita kong may kinuha siyang damit.

Magpapalit lang pala.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa marating niya ang pinto, natigilan naman ako ng bigla siyang lumingon at tumitig sa labi ko.

"Wag ka ng kakain ng saging huh." nakangising sabi niya sabay kagat sa kanyang labi.

Luh, anong gusto mong kainin ko?

"Hindi mo ako mapipigilan sa kung anong gusto kong kainin." sabi ko at nag iwas ng tingin sa kanya.

"Alam mo ba ang tunay na dahilan kung bakit prutas ang binili ko para sayo kanina?" tanong niya kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi...Paano ko malalaman kung di mo sasabihin?" pamimilosopo ko kaya natawa naman siya.

"For me, a girl who was eating fruits in front of me...is too seductive." sabi niya sabay kindat sakin.

Dinampot ko naman yung isa kong unan at binato sa kanya, pero agad siyang nakaiwas kaya iba ang natamaan ko.

dO///////Ob

Si Kuya.

Dahan-dahan siyang tumingin saken kaya binalot naman ako ng kaba.

"Eh, Kuya...pasensya na. Hindi ko naman intensyon na batuhin---" naputol ang sasabihin ko ng damputin ni Kuya ang unan kong dapat na ibabato kay Theron.

Napatakip ako sa bibig ko ng makita ko kung ano ang ginawa niya.

Hinampas niya yun sa mukha ni Theron kaya siya naman ngayon ang mukhang tigre na kulubot ang mukha.

"Ayan, natuloy na ang naudyot mong pagbato sa kanya." sarkastikong sabi ni Kuya kaya napakamot nalang ako sa batok ko.

Huminga ng malalim si Theron saka nakangusong nilisan ang tapat ng pinto ko.

Sinarado naman ni Kuya ang pinto, sumandal siya dun at tinitigan niya ako ng masama.

"Verena, magsabi ka nga sakin ng totoo." sabi niya kaya napalunok naman ako ng wala sa oras.

"Ano na namang sasabihin ko Kuya?" tanong ko, lumapit naman siya sakin at naupo sa paanan ng kama ko.

"May gusto ba sayo yung lalaking 'yon?" diretsong tanong niya.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now