K A B A N A T A - 41

1.7K 42 4
                                    

THERON'S POV

Nakaupo lang ako sa kama habang pinapanood si Verena na mag-impake ng kanyang damit sa maleta.

Kanina pa kasi ako natapos mag-ayos ng damit ko, konti lang naman yung babaunin kong gamit.

"Theron," tawag sakin ni Verena kaya agad naman akong tumingin sa kanya.

"Yes, my girl?"

"Nasa iyo parin ba yung puting sweatshirt na pinahiram sayo ni Ina nung unang dating mo dito?" tanong niya ng hindi tumitingin saken.

Natulala naman ako sa itsura niya ngayon na kahit ang messy ng buhok lumilitaw parin yung kagandahan niya.

Napalunok pa ako ng ilang beses nang masilayan ko ang pagtulo ng pawis niya sa kanyang leeg.

d♡__♡b

Oh fuck baby! I can't take away my eyes to you. Shit! Shit! Sh---

"Theron? Tulala kana naman, may sakit kaba?" nabalik ako sa reyalidad ng magsalita siya ulit, pero nasa akin na yung atensyon niya.

"Uhm, oo nasa akin pa. Kukunin mo na ba?" tanong ko pero umiling lang siya.

"Sayo na yun, wag mo nang ibalik saken. Tinanong ko lang naman." nakangiting wika niya saka siya bumalik ulit sa pag-iimpake.

Sabi kasi samin ni Earl ay sa Pagudpud, Ilocos Norte kami magcecelebrate ng Christmas at New Year kasama nung girlfriend niya.

Meron daw kasing beach resort doon na binili niya, doon kami pansamantalang manunuluyan habang nagbabakasyon kami.

Mamaya, pagkatapos namin sunduin yung babaeng pinakamamahal niya ay babalik kami ulit dito sa bahay para kunin na yung mga gamit na dadalhin.

Sa ngayon, sina Sinno at Amo ay nasa bukid palang. Mamayang tanghali pa daw sila uuwi.

Kasi kakausapin pa nila yung mga taong magbabantay sa kanilang palayan habang wala sila.

"Grabe, ang init." sabi ni Verena na ngayon ay pinapaypayan ang sarili.

Tumayo naman ako sa aking pagkakaupo saka kinuha yung pamaypay sa kanya.

"Ako na." nakangiting sabi ko kaya pinaubaya na niya sakin yung pagpapaypay sa kanya.

Nang matapos na niyang ilagay yung kanyang mga gamit sa ay tinulungan ko din siyang izipper yung maletang parang puputok na sa dami ng laman.

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng katok sa pintuan, nilagay ko muna yung mga bag namin sa gilid ng pinto.

"Verena, Theron, lumabas na kayo diyan. Aalis na tayo, nandun na daw si Gia sa terminal." dinig kong sabi ni Earl.

"Sige Kuya, sandali lang." sagot ni Verena.

Dinampot ko yung panyong nakalapag sa kama niya saka ako lumapit sa kanya at pinunasan siya ng pawis.

"Pawis kana, bakit hindi ka man lang nagpupunas? Baka matuyuan ka." sita ko sa kanya habang patuloy parin ang pagpupunas ko sa kanya.

"Pasensya na, may ginagawa pa kasi ako. Salamat." nakayukong sabi niya.

Nilagay ko muna yung panyo sa bulsa ko saka hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

"Hey, are you okay? May nararamdaman ka bang kakaiba?" alalang tanong ko pero umiling lang siya.

Hinapit ko siya palapit saken saka ko siya hinalikan ng marahan sa noo.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now