K A B A N A T A - 35

1.9K 53 2
                                    

VERENA'S POV

Pagdating namin ni Stella sa eskwelahan, ay medyo madami ng tao kasi nagsisimula ng dumilim at ang tanging nagpapaliwanag nalang sa lugar ay yung iba-ibang kulay na ilaw, nakakasilaw na sa mata.

Ang bilis naman nilang ayusan yung gymnassium.

"Tara dun." sabi ni Stella sabay turo sa cocktail table na bakante.

Agad naman akong sumunod sa kanya at nilapag sa mesa yung dala kong bag.

May nakalapag na drinks sa mahabang mesa na nakalagay sa kung saang sulok ng lugar. Meron ding mesang puno ng pagkain.

PAGKAIN! WAAAHHH!

"Diyan kalang, ako na kukuha ng maiinom." nakangising sabi ni Stella sabay haplos sa pisngi ko.

Hindi ko naman maiwasang kilabutan sa titig niya.

Anong nangyayare sa babaeng toh?

Pinanonood ko nalang siyang kumuha ng maiinom, pakendeng-kendeng pa siya habang naglalakad.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng may makita akong lalaki na humaplos sa braso niya, napatakip pa ako sa bibig ko ng makita ko kung ano ang ginawa niya.

Sinampal siya ni Stella sabay sipa sa binti nung lalaki.

d>_<b

Masakit yun ah!

Nilibot ko nalang ulit ang paningin ko sa buong lugar, hanggang sa may nagtakip ng mata ko.

"Hoy! Sino toh?" tanong ko habang pilit na tinatanggal ang kamay niyang nakatakip sa mata ko.

Narinig ko lang ang mahinang tawa niya sa kabila ng malakas na tugtog sa paligid.

"Ang ganda mo ngayon." bulong niya kaya nagsitaasan naman ang balahibo ko sa katawan.

"Walang hiya ka Jarrett!" sabi ko saka marahas na tinanggal ang kamay niya sakin.

Pagtingin ko sa kanya ay nakita kong halos mautot na siya kakatawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero kinurot niya lang ang pisngi ko.

"Ikaw lang?" tanong niya sakin na para bang walang ginawang kalokohan.

"Hindi, kasama ko si Stella." sagot ko saka nginuso ang babaeng papalapit sa pwesto namin dala-dala ang dalawang basong hindi ko alam kung ano ang laman.

"Oh, nandito na pala si Jarrett." sabi niya sabay bigay sakin ng isang inumin.

"Ano toh?" tanong ko saka inamoy yung laman ng baso.

"Apple Daiquri yung sayo, akin itong Red Sangria." sagot niya saka nagsimulang inumin yung kanya.

Para naman akong pusa dahil sa ginawa kong pagtikim dun sa Daiquri na sinasabi nitong babaeng nasa tabi ko.

Nilapat ko lang yung dila ko dun, saka ko nilapag sa  mesa yung baso.

Yak! Ayaw ko ng lasa! Hindi ako sanay.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now