K A B A N A T A - 26

2K 46 2
                                    

VERENA'S POV

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas nang loob para sabihin kay Theron ang mga bagay na bumabagabag sakin.

Nakita kong kumuha siya ng maliit na bato at tinapon iyon sa malayo.

Napaiwas naman ako ng tingin nang bigla siyang lumingon at tinignan din ako.

Napabuntong hininga nalang ako saka pinagpatuloy ang kadramahan ko sa buhay.

"Ayoko kasi ng ganitong pakiramdam, yung wala ka namang problema pero may gumugulo sa iyo na hindi mo maintindihan. Yung malaya ka naman, pero pakiramdam mo parang nakakulong ka lang." nakangusong sambit ko.

"This is the only thing I want to tell you," napalingon naman ako at kita ko ang pagiging seryoso niya.

"Ano?"

"Kapag nagmahal ka ng isang tao, siguraduhin mong kilala mo na ito. Yung sigurado ka na siya na talaga ang makakasama mo sa habang buhay, yung hindi mo pinagsisisihang pinaglaban mo siya hanggang sa dulo. Yung kahit ang pinaka-ayaw niyang pagkain ay alam mo. Kasi, kung maghihiwalay lamang kayo, ay sayang lahat ng sakripisyong inalay ninyo." seryosong sambit niya kaya napataas naman ang kilay ko ng wala sa oras.

Taray! Diretsong tagalog ah! iBILIB!

"Pfftt! Masyado ka ng seryoso, maiba naman tayo." nakangiting sabi ko saka tumayo.

"Gusto mo ng mangga?" tanong ko sa kanya habang tinitingala ang hindi kataasang puno ng mangga na sinisilungan namin.

Tumayo siya at nagpagpag ng damit.

"Mango? Saan ka kukuha?" tanong niya kaya nginuso ko naman ang mga bunga ng mangga na nasa taas namin.

"But, how?"

"Panoorin mo'ko." maangas kong sabi saka umakyat sa puno ng mangga.

Dinig ko pa ang mahihinang mura niya habang tinitingala ako.

"Damn! Baka mahulog ka! Ako nala---"

"Huwag na! Kaya ko na ito." pasigaw kong sagot ng marating ko ang taas ng puno at nagsimulang mamitas ng mangga.

Pinili ko yung hinog at dumapo ang paningin ko sa isang pares ng mangga na magkasama sa iisang tangkay.

Na-enganyo akong kunin kaya pilit ko 'yong inabot.

Nang mapagtagumpayan kong kunin ay tumingin ako kay Theron na ngayon ay tinatakpan ang dalawa niyang mata gamit ang isang kamay.

"Hoy! Bakit ka nagtatakip diyan?" natatawang tanong ko habang dahan-dahan na bumaba.

"Ayaw kong makita ng maaga ang isang bagay na pinakaiingatan mo, gusto kong makita yun kapag...kasal na tayo." pagkasabi niya nun ay nawala ako sa balanse at nabitawan ang hawak kong mangga.

"Aaahhhh!" sigaw ko nang maramdaman kong nahuhulog na ako.

"Shit! Verena!" dinig kong sigaw ni Theron bago ako nawalan ng malay.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now