K A B A N A T A - 57

1.6K 38 3
                                    

VERENA'S POV

Para akong lantang gulay habang nag-aayos ng gamit sa maleta ko.

Mula kagabi hanggang ngayong madaling araw ay hindi ko na nagawang matulog kaya wala akong lakas na gumawa ng kung anu-anong bagay.

Napahinto naman ako sa paglalagay ng damit saking maleta ng biglang pumasok si Kuya dito sa kwarto ni Ate Gia.

Kami nalang kasi dalawa ni Kuya yung natira dito sa resort, kani-kanina lang ay nakaalis na sila Ina pabalik ng Isabela.

"Kaya mo bang magbiyahe? Isa't kalahating oras pa yung biyahe natin papuntang Laoag, walang airport dito sa Pagudpud." sabi ni Kuya at ramdam ko naman ang pagtitig niya saken.

"Kakayanin ko...kahit mahirap." sagot ko saka tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.

"Masakit paba yung paa mo?" tanong niya saka ako nilapitan, at ngayon ko lang napansin na may hawak siyang bandage. "Namamaga pa, sabihin mo lang kung ayaw mo pang umalis. Pwede ko pang imove yung flight naten bukas." dagdag pa niya.

"Hindi naman lahat ng sugat, gumagaling agad. Kailangan mo pang tiisin ang sakit, bago ito mawala." wika ko sabay lagay ng jacket sa loob ng maleta.

Hindi ako sinagot ni Kuya, sa halip ay marahan niyang nilagay ang paa ko sa kandungan niya kung saan dito niya ako  nilagyan ng panibagong benda sa paa.

Napabuntong hininga nalang ako saka tumingin sa bintana, kung saan ko nakikita ang unti-unting pagsikat ng araw.

"Kuya? Magtatagal tayo dun?" tanong ko at napatigil naman siya sa paglalagay ng bandage sa paa ko.

"Depende," simpleng sagot niya.

"Paano ko tatapusin yung---"

"Ako na ang bahala sa pag-aaral mo Verena," sabi niya saka tumayo at nagtungo sa may bintana.

Pabagsak akong humiga sa kama saka nakipagtitigan sa may kisame.

Ito ang unang beses na hindi ko makakasama si Ama at Ina sa araw ng pasko.

Kung dati, si Kuya lang yung wala tuwing ganitong okasyon, ngayon kami nalang dalawa ang magkasama ng wala yung mga magulang namin.

Jusqo! Hindi ko talaga naisip na mangyayare ang lahat ng ito.

d.___.b

"Magbibihis lang ako, mag-ayos kana din ng sarili mo. Aalis na tayo," sabi niya saka lumabas ng kwarto.

Agad naman akong tumayo at kinuha yung hinanda kong damit na susuotin ko sa biyahe.

Mas pinili ko nalang na magsuot ng maong shorts at gray sweatshirt para mas maging komportable ako habang bumibiyahe.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.

Mukha akong napuyat ng isang taon.

d~|||||~b

Namumutla ang mukha ko, halatang-halata ang pamamaga ng mga mata ko dahil sa magdamagang pag-iyak ko.

Nagtungo ako sa banyo para maghilamos at magkaroon naman kahit konting buhay yung mukha ko.

Nagulat nalang ako ng makita ko ang repleksyon ni Kuya sa salamin kaya napalingon naman agad ako sa kanya.

"Suotin mo yan mamaya, para naman hindi matakot yung makakakita diyan sa mukha mo." napanguso naman ako sa sinabi ni Kuya.

Inabot niya sakin ang isang wayferer na hindi ko alam kung saan galing sabay tumalikod siya ulit saken.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon