K A B A N A T A - 43

1.7K 35 2
                                    

MAXSON'S POV

Nagising ako nang may maramdaman akong malakas na hangin na humahampas sa mukha ko.

Dumilat ako at nakita kong bukas na bukas yung bintana habang tumatakbo parin ang sasakyan.

Nasan na ba kami?

Sumilip ako sa labas at kita kong sumisikat palang yung araw, nakaramdam agad ako ng ginhawa ng masilayan ko iyon.

Tumingin ako kay Manong na ngayon ay hindi halatang puyat dahil natural ang kanyang itsura.

"Nasan na tayo manong?" tanong ko habang nakatitig sa kanya.

"Nasa bayan palang po tayo, mga ilang sandali ay makakarating na din tayo sa inyong pupuntahan." sagot niya ng hindi lumilingon sakin.

"Oh, okay." sagot ko at muling tumingin sa labas.

Actually, masarap sa pakiramdam kapag natatanaw mo yung mga tanawin dito sa probinsya, hindi tulad sa Manila na puro building at usok ng sasakyan ang makikita mo.

Habang dumaraan ang sasakyan namin ay napapatingin ang ibang taong busy sa pagtitinda ng kung anu-ano.

Napangiti nalang ako bigla ng naisip kong makikita ko na yung kapatid ko sa wakas, worth it yung pagbiyahe namin ng matagal.

Natigilan naman ako ng maalala ko yung mga tao sa likod, iniisip ko kung gising na ba sila o tulog parin hanggang ngayon.

Sa kakatingin ko sa labas, ay biglang may nahagip ang mata ko, pero sa bilis ng pagpapatakbo ay agad itong nawala sa paningin ko.

dO___Ob

Yung babae bang nakita ko ay yung babaeng nakabunggo ko sa barbershop nung nakaraan?

Nakita ko siya, pero hindi ako siguradong siya nga yun. Kasi nakasuot siya ng shades habang nasa tabi niya ang ilang maleta.

Parang may hinihintay siyang tao. Napailing nalang ako sa sarili kong iniisip.

Imposible namang mapunta siya dito, right Maxson?

Nakahinga naman ako ng maluwag ng tuluyan ng huminto ang sasakyan sa isang bahay.

"Sir, bababa po muna ako para tanungin kung saan yung mismong bahay na pinapahanap ng Daddy niyo." paalam nung driver saka bumaba ng sasakyan.

Damn! Hindi pa ba itong bahay na ito?!

d~_~b

Wala akong choice kung hindi bumaba din saka pumunta kina Daddy sa likod.

"Sir, saan po ba yung bahay? Nandito na po kasi tayo sa lugar na sinasabi niyo pero hindi ko po alam kung saang bahay dito. Magkakalayo po yung distansya ng bawat isang bahay, kaya medyo madali namang hanapin." wika ni Manong na ngayon ay tinatanaw ang mga bahay.

"Ang sabi saken nung taong pinadala ko dito, hindi naman daw mukhang barong-barong yung bahay. Gawa daw sa---"

"Ay Sir, madami pong ganun dun pa sa parteng dulo kaya iisa-isahin ko pa." sagot ni Manong saka bumalik ulit sa driver seat na agad ko namang sinundan.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now