K A B A N A T A - 21

2.1K 52 3
                                    

VERENA'S POV

Nagising ang diwa ko ng marinig ko na naman ang mga tilaok ng manok ng aming kapit-bahay.

Bumangon ako saka kinusot-kusot ang mga mata ko, halos isang linggo na rin pala ang nakalipas magmula ng matagpuan namin si Theron sa damuhan.

Gaya ng dati, ganun parin ang ginagawa namin ni Theron sa loob ng bahay.

Minsan nagbabangayan, minsan naman nagkakasundo. Pero mas nangingibabaw parin ang pagkailang ko sa kanya, kasi nga hindi ko pa naman siya lubusang kilala.

Nagtungo ako sa kusina pero wala akong nadatnan na tao, lumibot ako hanggang bakod pero kahit anino ng tao ay wala akong nakita.

Napakamot nalang ako sa ulo ko nang mapagtanto kong naiwan na naman akong mag isa.

Araw naman ngayon ng Sabado kaya wala akong pasok, at hindi rin ako nagising ng maaga.

Pumunta ako ulit sa kusina saka tinignan yung nakatakip na ulam sa mesa, sakto naman at may nakahain ng itlog at tuyo.

Kasama nun ang sinangag na may mga patatas na nakahalo.

Agad naman akong nagpainit ng tubig para sa iinumin kong kape.

Hindi nakakuha si Ama ng gatas ng kalabaw kaya kape muna iinumin ko.

Lumipas ang ilang minuto ay kumulo na ang pinapainit kong tubig.

Nagtimpla agad ako ng kape saka nagsimulang mag-almusal sa mesa.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko, may narinig akong sumisitsit.

Nabitawan ko agad ang hawak kong kutsara at nagmasid sa paligid.

Bigla akong binalot ng kaba at takot nang may marinig din akong malakas na katok mula sa pintuan.

Wala sa sariling napatayo ako saka dahan-dahang nagtungo sa pintuan.

Nang mahawakan ko na ang saraduhan, ay napapikit ako ng mariin saka nanginginig na binuksan ang pintuan.

Naramdaman ko agad ang malamig na simoy ng hangin na dumampi sa balat ko, kaya nanatili parin akong nakapikit.

Hanggang sa maamoy ko ang pamilyar na pabango na nanuot sa ilong ko.

Hindi mapigilang mangilid ang luha ko kahit nakapikit ako, dahil ramdam kong dumating na ang taong pinakahihintay ko.

"Naira," boses ni Kuya ang nangibabaw sa tenga ko hanggang sa maramdaman ko ang pagyakap niya sakin ng mahigpit.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko saka mainit na tinanggap ang yakap niya.

"K-kuya, buti dumating k-kana." napahikbi pa ako habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Sshhh, dumating na ang Kuya. Wag ka ng umiyak." dumilat ako saka kumawala sa pagkakayakap niya.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka hinalikan ako sa noo.

Napatitig agad ako sa mukha ni Kuya na matagal tagal na rin magmula ng huli ko itong masilayan.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now