K A B A N A T A - 08

2.8K 73 5
                                    

VERENA'S POV

Agad na dinala ni Ama sa bahay yung lalaking nakita namin ni Ina kanina sa damuhan.

Si Ama din ang nagtanggal nung tali niya sa kamay at paa.

Mahigpit ang pagkakatali doon kaya kinailangan ni Ama gumamit ng kutsilyo.

Sakto namang may dala si Ama kaya yun nalang ang ginamit niya.

Napasigaw pa kanina yung lalaki, akala niya siguro sasaksakin na siya ni Ama.

Para siyang.....bakla?

Kaya heto siya ngayon, nakahiga sa mismong papag ko.

Hindi ko pa naman naaayos ng mabuti ang mga kahoy niyan, baka bigla nalang gumiba at mahulog siya sa sahig.

Eh, bahala siya diyan! Sila Ama naman ang nagdala sa kanya sa kwarto ko kaya di ko na kasalanan pag may nangyaring di maganda sa kanya.

Hinihintay ko lang kumulo yung mga dahong pinitas ni Ina kanina sa may bakuran namin, halamang gamot daw.

Ipantatapal sa mga pasa nung lalaking yun.

"Anak, di pa ba tapos iyan?" tanong ni Ina mula sa kwarto ko.

"Opo, parating na!" ang delubyo.

Agad akong kumuha ng basahan at sinala ang katas nung dahon, nilagay ko yun sa baso.

Ipapainom daw kasi sakanya mamaya.

Nilagay ko naman sa palanggana yung mga dahon at may kasamang bimpo.

Pagdating ko sa kwarto, halos mabitawan ko ang hawak kong palanggana ng makita ko siyang walang suot na damit pang itaas tapos nakahiga pa siya sa papag ko.

Gumiba sana yan.

Binigay ko yun kay Ina saka nagsimula naman siyang gamutin nito.

Itatapal na sana yung dahon sa katawan niya ng pigilan nung lalaki si Ina.

"What is that thing?" batid kong nandidiri siya sa paraan ng pananalita niya.

"Ah iho, isa itong halamang gamot. Maganda ito para maibsan ang sakit saka para matanggal na din---"

"You don't have any medicine here? Like, alaxan? Or any medicine that can cure pain?" maarte niyang tanong.

Pigilan niyo ako, ipapakain ko na toh sa buwaya.

"Pasensya na Iho. Medyo malayo pa kasi yung botika dito, kaya yan nalang muna ang ipanggagamot sayo." sabat ni Ama.

Wala naman siyang nagawa, kaya nakasimangot siyang humiga sa papag habang masama ang tingin sa labas ng bintana ko.

Tss, ang arte nito! Pasalamat siya tinulungan pa namin siya, kung hindi kami dumating eh baka kanina pa siya inuod doon!

"Ina, Ama...Maliligo na po ako, may pasok na po ako maya maya eh." sabi ko, napatigil si Ina sa pag-gagamot at tumingin saken.

"Hindi ka ba muna kakain?" tanong ni Ina.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now