K A B A N A T A - 75

2K 42 1
                                    

THERON'S POV

Nanlalamig ang mga kamay ko sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi ko rin masabi kung gaano ako kasaya ngayong araw na ito.

Ngayon na kasi magaganap ang kasal namin ng pinakamamahal kong babae na si Verena.

Shit! I can't imagine na sa kabila ng lahat ng sakit, sa kabila ng lahat ng pagsubok na naranasan naming dalawa, talagang kami ang itinadhana ng Diyos.

Kahit kailan ay hindi ko naisip na mauuwi kaming dalawa sa ganitong klaseng yugto ng buhay.

Kung dati lang ay puro bangayan at pag-aasaran ang ginagawa naming dalawa, ngayon ay parehas na kaming haharap sa altar at mangangakong magmamahalan habang buhay.

Bakit nga ba ako nabihag ng isang babaeng tulad niya?

Simula't sapul palang naman ay hindi naman talaga ako seryoso sa mga pinagsasabi kong kalokohan sa kanya, sinusubukan ko lang kung hanggang saan ang pasensya niya.

Saka, ibang-iba talaga siya sa mga babaeng nakasama at nakilala ko na.

Madami siyang mga gawain na kaya kang patawanin, unang-una ang kanyang kainosentehan.

Siguro mula pagkabata niya ay talagang alaga na siya ng mga magulang niya, lalong lalo na ang kanyang Kuya.

Daig pa ang pader kung makaasta sa pagpoprotekta niya sa kanyang kapatid, at yun ay napatunayan ko nung sinaktan ko siya.

Akala ko noon ay hindi na ako makakabalik sa piling niya, akala ko noon ay tuluyan na niya akong binaon sa limot, pero nagkamali pala ako.

Hindi ko nga rin alam kung paano siya umibig sa isang lalaking tulad ko na walang ibang inisip at ginawa kundi puro kalokohan at kabastusan lamang.

Damn, iniimagine ko kung paano ako natiis ni Verena sa kabila ng mga kalokohan na ginawa ko sa kanya.

Pero bilib ako sa tulad niya, kahit na ilang beses na siyang umiyak at masaktan ng dahil sakin, hindi parin niya ako sinukuan.

Sa halip ay mas lalo niyang pinatunayan ang pagmamahal niya sakin.

Minsan naisip ko na hindi ko deserve ang babaeng tulad niya, hiyang-hiya naman kasi yung ugali ko.

Ganun ba talaga kapag probinsyana?

Pangalawa, ang mga bagay na siya lang ang tanging nakakagawa sakin. Madami na akong nakasalamuhang babae, pero kahit kailan ay walang nagtangkang batukan o pitikin ako.

Nung unang kita ko sa kanya ay halata ko na talaga ang pagkaka-iba niya sa lahat, mula sa pananamit at pananalita.

Saka, isa pa, siya lang din ang babaeng tanging nagregalo sakin ng kwintas, meron namang iba kaso puro rubber shoes, pagkain or whatever.

Siya lang din ang natatanging babaeng nagpakilig saken kahit na ako ang lalaki saming dalawa, weird mang pakinggan pero totoo.

I become a cold hearted person since my mother left me, but until my destiny come, I've changed a lot.

Madami akong natutunan sa kanya, at hinding-hindi ko pinagsisisihang nakilala ko ang isang tulad niya.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now