K A B A N A T A - 31

2K 46 2
                                    

VERENA'S POV

Nagising ako ng may maramdaman akong humahaplos sa pisngi ko, pagdilat ko ay bumungad sakin ang puting kisame.

Nagbaba ako ng tingin at nakita ko si Kuya na halatang nagulat sa akin, umayos siya agad ng upo at binitawan ang pisngi ko.

"Gising kana pala, Naira." nakangiting sabi niya kaya nilibot ko naman ang paningin ko.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa Hospital dahil sa pagod.

"May masakit ba sayo?" tanong niya pero umiling lang ako.

Binalot kami ng katahimikan, hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit parang naiilang sakin si Kuya ngayon.

"Kuya, ayos kalang? Bakit parang naiilang ka sakin?" tanong ko, nakita ko naman ang ilang beses na paglunok niya.

Napansin ko pa ang kanyang laptop na nakalapag sa sofa.

Para saan yun?

"Uhm, Naira, m-may...gusto lang sana akong ipakilala sayo." alanganing sabi niya kaya napakunot naman ang noo ko.

Tumayo siya at lumapit sa may sofa saka dinampot yung laptop.

Umusog ako ng kaunti kasi umupo siya sa may tabi ko, pinatong niya yung laptop sa kanyang kandungan at nagsimulang pumindot doon.

Pinanood ko lang kung ano ang gagawin niya hanggang sa lumabas sa screen nung laptop ang mukha ng isang babae.

dO___Ob

Ang ganda niya! Sino kaya ito?

"Gia, good evening." bati ni Kuya dun sa babae.

"Good evening din babe." nanlaki ang mga mata ko sa tinawag nung babae kay Kuya.

B-babe? Siya ba yung babaeng katawagan ni Kuya kanina?

"Ahm, gising na yung kapatid ko. Diba gusto mo na siyang makausap?" napatingin si Kuya sakin, naningkit naman ang mga mata ko.

"Magpaliwanag ka sakin mamaya Kuya." mahinang sabi ko kaya natawa naman siya.

"Oo! Gusto ko ng makilala kapatid mo, I'm sure na magugustuhan niya ako." dinig kong sabi nung babae.

Napabuga nalang ako ng hangin at sumandal sa may ulunan ng kama.

Nilipat sakin ni Kuya yung laptop niya sa kandungan ko at ako naman ngayon ang kaharap nung babae.

"Oww, Hi little girl. Ano pangalan mo?" tanong sakin nung babae, napanguso naman ako dahil hindi man lang ako pinakilala ni Kuya sa kanya.

"Verena Naira," sagot ko kaya napangiti naman siya.

"Ang ganda ng pangalan mo! Pwede ba kitang tawaging Aira?" naitikom ko naman ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

Aira? Ang ganda naman ng palayaw ko sa kanya. Hehehe!

"Uh, pwede naman." napapalakpak naman siya sa sagot ko.

"Good! Ako naman ngayon magpapakilala sayo, I'm Gia Alonzo, girlfriend ng Kuya mo." kaagad na nawala ang ngiti sa labi ko.

Tinignan ko si Kuya na ngayon ay nagkakamot ng kanyang batok.

"Sabi ng Kuya mo sakin, pupunta kana dito next year sa Manila kasi gagraduate kana ng 2nd year college. Tama ba ako?" sabi niya kaya napatingin ako ulit sa screen nung laptop.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now