K A B A N A T A - 23

2.1K 45 1
                                    

VERENA'S POV

Gusto ko mang umalis sa ibabaw ni Theron, pero hindi ko magawa.

Nananakit ang ulo ko, pakiramdam ko nagmanhid lahat ng parte ng katawan ko.

Dinig ko ang boses ni Kuya, hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagbuhat ng isang tao sakin.

"Anong nangyare---anak!" boses ni Ina ang nangibabaw sa tenga ko.

Kahit nakapikit ako ay alam kong pinasok na ako ni Kuya sa loob ng kwarto ko at dahan-dahan akong hiniga.

"Anong nangyare sa kapatid mo Earl?" tanong naman ni Ama, wari ko'y kakapasok niya lang sa loob.

"Ama, nadatnan ko nalang siyang nakapatong dun sa lalaking yon. Hindi ko alam kung paano siya napunta dun." batid kong galit si Kuya dahil sa pananalita niya.

"Ano?! Paano nangyare yun?" gulat na tanong ni Ina.

Gusto ko man siyang sagutin, pero hindi ko kaya. Umiikot ang paningin ko at ramdam ko parin ang pagkirot ng ulo ko.

Bakit ba kasi ako nagka-interes sa kahon na yun?! Napahamak pa tuloy ako.

"Marga, pagpahingahin mo muna ang anak mo. Kita mo oh, mukhang nanghihina." sabat naman ni Ama.

Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Ina saka ang pag upo niya sa tabi ng kama ko ay ramdam ko.

"Maiwan muna namin kayo." sabi ni Ama saka hinila palabas ang Kuya kong magkadugtong na ang kilay.

Hinaplos ni Ina ang buhok ko saka tinitigan ako ng seryoso.

"Ano masakit sayo?" nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa tanong niya.

Akala ko papagalitan ako, akala ko sesermonan na ako ni Ina.

"Yung ulo ko po, medyo sumasakit kasi tumama po kanina sa mesa." sagot ko at nag iwas ng tingin kay Ina.

"Paano ka ba nauntog doon? Saka ano yung sinasabi ng Kuya mong naabutan ka daw niyang nakapatong na kay Theron?" medyo tumataas na ang boses niya, senyales na malapit na niya akong sermonan.

"Kasi po, ano---ahhmm, nakita ko po kasi yung kahon na nasa mesa, kaharap ni Theron."

"Tapos?"

"Nagka-interes po akong tignan kung ano laman nun kaya pilit kong inagaw sa kanya, sumampa po ako sa likod niya pero sa kasamaang palad nawala po siya sa balanse kaya po kami natumba at napunta po ako sa ibabaw niya." nag init ang pisngi ko ng maalala ko yung eksena naming dalawa kanina.

Ramdam na ramdam ko kanina sa aking tiyan ang kanyang pagkalalake.

Aaahhhh! Nakakahiya! Nakakainis! Lamunin na ako ng lupa ngayon na!

d>>____<<b

"Masyado ko kasing mausisa anak, kaya ayan napapahamak ka." mahinahong sabi ni Ina. "Diyan kalang hah, kukuha lang ako ng pantapal diyan sa noo mong may bukol." boses palang ni Ina ay halatang nang aasar na.

My Probinsyana GirlWo Geschichten leben. Entdecke jetzt