K A B A N A T A - 55 (ILOCOS NORTE)

1.6K 41 4
                                    

VERENA'S POV

Madilim na ng makauwi kami galing Bantay Abot Cave, kaya dumiretso kami agad sa kusina para makakain na.

Hindi na rin kasi ako nakakain kanina kasi nga umalis kami nila Kuya, mabuti nalang at hindi ako nanghina kasi wala pang laman yung tiyan ko.

"Verena, Gia, diyan muna kayo. Magbibihis lang ako sa kwarto." paalam ni Kuya saka nagtungo sa itaas.

Si Ate Gia naman yung nag-asikaso saken, siya yung kumuha ng pinggan at kutsara na gagamitin namin sa pagkain.

Kami nalang siguro yung di pa kumakain at paniguradong nagpapahinga na ngayon yung ilang tao.

"Aira, dun ka mamaya sa kwarto ko hah." sabi ni Ate habang nilalagyan ako ng kanin sa plato.

"Bakit Ate?" tanong ko saka uminom ng tubig.

Naalala ko nga palang wala na akong sariling kwarto ngayon, kasi nga binigay ni Ina dun sa mga bisita namin.

Kaya ang kinalabasan, ako yung nakikitulog sa kung kani-kaninong kwarto.

Bigla namang dumapo yung paningin ko sa kwarto ni Theron na payapang nakasarado at mukhang walang tao sa loob.

Hindi ko pa siya nakikita mula kanina, saan kaya siya nagpunta?

"Aira? May masakit ba sayo?" nabalik lang ako sa reyalidad ng magsalita si Ate Gia.

"Ah, wala Ate. Ano nga po yung sinasabi niyo?"

"Dun ka mamaya sa kwarto ko para tulungan kitang iset up yung camera mo." nakangiting sagot niya.

"Sige po, salamat Ate."

Sabay na kaming kumain ni Ate Gia, kasi gusto ko na rin kasing masubukan yung camera na regalo nila saken.

Hindi ko pa kasi yun binuksan kanina sa may isla, kaya yung ginamit namin sa pagkuha ng litrato ay yung kay Ate Gia.

Di pa ako nangangalahati ng pagkain ay nakarinig na kami ng sigawan na nagmumula sa itaas.

Nagkatinginan pa kami ni Ate Gia bago siya naunang umakyat sa taas para tignan kung ano na yung nangyayare.

Wala sa sariling nabitawan ko yung hawak kong kutsara ng marinig ko ang isang boses sa taas.

"Verena! Umakyat ka dito!" dinig kong utos sakin ni Kuya.

"No! Please, let me ex---" hindi pa yata natatapos ni Theron yung sasabihin niya ay nakarinig na ako ng malakas na kalabog.

Kinabahan na rin ako kaya maingat akong umakyat sa taas.

Nakita ko agad yung mga kaibigan ni Theron na tulala lang habang nakatingin saken.

Parang sa pamamagitan ng tingin nila ay binabalaan na nila akong wag ng tumuloy sa loob.

Naagaw ng atensyon ko yung mga tao sa may tapat ng pinto ng dati kong kwarto.

Hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko ng makita pa kung ano yung nangyayare doon sa loob.

Para akong pinipigilang maglakad ng sarili kong mga paa.

Napahawak ako sa dibdib ko kasi hindi ko na naman makontrol yung paghinga ko, para akong hinabol ng aso dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko.

"VERENA!" napatalon ako sa gulat sa pagtawag ni Kuya kaya nakayuko akong lumapit dun sa may pintuan.

"No! Earl, wag mo ng ipakita---"

My Probinsyana GirlWo Geschichten leben. Entdecke jetzt