K A B A N A T A - 47 (ILOCOS NORTE)

1.7K 40 0
                                    

THERON'S POV

Gising na ang diwa ko pero hindi parin ako bumabangon sa kama, para akong baliw na nakangiti habang nakahawak saking labi.

Hindi mawala-wala sa isipan ko yung nangyare kagabi, di ko nga alam kung nakatulog pa ba ako ng maayos.

Sa totoo lang, kahit na may tama ako ng alak alam ko parin kung ano yung nangyare at kung ano yung ginawa ko.

d- - ,b

Napabalikwas naman ako ng bangon nang may sunud-sunod na kumatok sa pinto ko.

"Theron! Gumising kana!" dinig kong sigaw ni Earl sa may labas.

Napakunot naman ang noo ko nang marinig kong para siyang natataranta at nagmamadali.

Nagtungo ako sa may pinto para pagbuksan siya, wala pa akong suot pang itaas kaya napataas naman ang kilay niya saken.

"Mag-ayos kana, may naghahanap sayo sa labas." malamig niyang sabi saka iniwan akong tulala.

Sino namang maghahanap saken?

Napakibit balikat nalang ako saka sinarado ang pinto, maglalakad sana ako palapit sa cabinet nang may natapakan ako.

Nagbaba ako ng tingin at napangisi ako saking nakita. Yung bestidang suot ni Verena, naiwan dito.

Pagkatapos kasi nung nangyare, di ko na sa kanya pinasuot yung damit niya, sa halip ay pinasuot ko nalang sa kanya yung isang T-shirt ko.

Dinampot ko yun saka nilagay sa cabinet bago ako naghanap ng isusuot kong damit, mamaya nalang ako maliligo.

Sinuklay ko yung buhok ko gamit ang aking kamay saka lumabas ng kwarto.

Balak ko sanang umakyat sa taas para tignan kung gising na ba si Verena, pero tinawag na ako ni Earl.

"Theron! Ano? Tatayo kana lang diyan?" tanong niya habang nakasandal sa may pinto.

Napanguso nalang ako saka lumapit sa kanya. Nagtaka naman ako ng nakatitig lang si Earl sakin.

"What's wrong with you? Sino bang naghahanap saken?" tanong ko at biglang dumapo ang mga mata ko sa mga taong naka-upo sa may kubo.

"Nandyan na sila." wika ni Earl at naunang naglakad sakin.

"Wait, d-don't tell me..." bigla akong kinabahan habang tinatahak ang daan patungo sa kubo.

Nakatalikod si Earl sakin habang nakatayo siya sa pintuan at nakalagay pa yung kamay niya sa kanyang bulsa.

"Nandito na siya." dinig kong sabi ni Earl saka tuluyang pumasok sa loob.

Nanginginig naman yung mga binti ko habang dahan-dahan kong tinapak ang mga paa ko sa loob.

"Anak," nanlamig ang katawan ko nang marinig ko ang boses na yun.

Hindi ko sila kayang tignan, di ko maigalaw ang kahit na anong parte ng katawan ko.

I hope, panaginip lang ito.

My Probinsyana GirlHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin