K A B A N A T A - 44 (ILOCOS NORTE)

1.9K 40 2
                                    

VERENA'S POV

"Damn, baby! Ugghhh!" iritadong sabi ni Theron habang hinihimas yung likuran ko.

Bigla nalang kasi akong nakaramdam ng pagkahilo kasabay nun ang paghilab ng tiyan ko, kaya wala naman silang nagawa kundi ang huminto sa tabing daan para pasukahin ako.

"Ano bang nakain mo anak at bigla kana lang nagsuka?" tanong sakin ni Ina sabay abot ng isang bote ng tubig.

Bago ko pa maabot yun ay sumuka ako ulit, parang hinuhugot na palabas yung bituka ko.

"Ina, bakit di niyo kaya tanungin si Theron." sinamaan ko ng tingin si Kuya na ngayon ay ngingisi-ngisi habang pinagmamasdan ako.

"Jusqo Earl, wag kang magbiro ng ganyan. Hindi pa ako handang magka-apo." pagsakay ni Ina sa biro ni Kuya.

Si Ama kasi nasa loob kasama ni Ate Gia, mukhang tulog na tulog at walang malay sa nangyayare kaya hindi namin sila kasama dito sa baba.

Nang medyo mahimasmasan ako ay sinubukan kong tumayo pero nagdidilim ang paningin ko, mabuti nalang at nasa likuran ko si Theron na handang sumalo sakin.

"Oh shit! Dalhin na natin siya sa hospital!" tarantang sabi ni Theron pero tinawanan lang siya ni Kuya.

"Theron, kalma okay? Hindi lang siya sanay sa biyahe kaya yan ganyan, masyado ka namang praning." iiling-iling na sambit ni Kuya saka pumasok sa loob.

Inalalayan naman ako ni Ina kasama ni Theron papasok ulit ng sasakyan. Kumikirot ang ulo ko, pinagpapawisan din ako ng malamig.

Ano ba ito? Nakakainis!

Hindi ko tuloy napansin yung mga dinaanan namin kasi ilang oras akong natulog habang kayakap si Theron hanggang sa magkanda-suka suka nalang ako dito.

Pabagsak akong umupo sa dating pwesto namin, agad akong dinaluhan ni Theron at inabutan ng tubig kasama ng isang panyo.

"Uminom ka muna ng tubig, medyo malapit na naman tayo." saad niya kaya kinuha ko naman yung hawak niyang tubig saka ininom.

Maya-maya pa ay muli ng umandar ang sasakyan at pinagpatuloy ang biyahe.

Pinunasan ako niya ako ng pawis mula sa aking noo hanggang sa likuran. Sa nangyare sakin ay nakaramdam ulit ako ng antok, pero bago pa man ako lamunin ng tulog ay nilagyan ako ni Theron ng mask.

"Hindi ko alam na ganito ka tuwing bibiyahe ng malayo, paano nalang kung dalhin kita sa Manila eh baka sumuka ka ulit." nakangusong sabi niya habang nakatingin saken ng diretso.

"Nabigla lang ako siguro." sagot ko saka hinilig ang ulo ko sa sandalan, pero hinila niya ako palapit sa kanya.

"Wag kang sumandal sa upuan, nagseselos ako." napangiti naman ako sa kawirduhan ng lalaking ito.

Hinayaan ko nalang na pumikit ang mga mata ko hanggang sa dalawin na ulit ako ng antok.

-----

"O my gosh! We're here!" nagising ang diwa ko ng marinig ko ang pagtili ni Ate Gia.

Umayos ako ng upo saka tumingin sa labas. Medyo madilim na, siguro ay mga ala-sais na yata ngayon.

Napalingon ako sa katabi kong tulog parin kaya ginising ko na siya.

"Babe---" napatakip ako sa bunganga ko ng mapagtanto ko kung ano yung lumabas na salita sa galing sa bibig ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng nakita kong ngumisi siya kasabay nun ang pagdilat ng mga mata niya.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now