K A B A N A T A - 42

1.7K 44 0
                                    

VERENA'S POV

Napatingin ako sa kamay ni Theron na nakahawak ng mahigpit saken magmula pa kanina.

Yung hawak na kahit kailan ay hindi ka na niya bibitawan.

Nang huminto na yung van ay pinauna muna namin sila Kuya Earl at Ate Gia sa pagbaba, bago kami sumunod.

Pagbaba namin sa sasakyan ay agad naming natanaw sina Ina at Ama na isa-isang nilalabas yung mga bagahe namin.

"Ina, Ama, si Gia po, manugang niyo." pagpapakilala ni Kuya kay Ate Gia.

Pasimpleng kinurot nito si Kuya bago nagmano kina Ama at Ina.

"Magandang umaga po." nakangiting bati nito kina Ama.

"Talagang nagmana sakin itong anak ko, marunong mamili ng babae." malisyosong sabi ni Ama kay Kuya habang inaakbayan siya nito.

"Naku, kayo talagang mag-ama. Hindi na kayo nahiya sa bisita naten. Siya, pumasok muna tayo sa loob bago tayo bumiyahe." sabi ni Ina na nauna ng pumasok.

Nang makapasok na silang lahat ay naiwan kami ni Theron sa labas para tulungan si Manong Berto na maglagay ng gamit sa van.

Siya kasi yung pansamantalang kinuha ni Kuya na magda-drive samin papuntang Ilocos, kaibigan din kasi siya ni Ama.

"Manong, magpahinga po muna kayo. Medyo mahaba po yung magiging biyahe natin mamaya." sabi ko nang makita ko siyang nagpupunas ng pawis sa may silong.

"Salamat Iha, pupunta muna ako sa bahay sandali. May kukunin lang ako, pakisabi sa Kuya mo ay babalik din ako kaagad." pagpapaalam niya.

"Sige po, mag-ingat po kayo." sabi ko saka siya hinatid ng tingin.

Hanggang sa nakita ko si Theron na nakatingin sa may daan kahit wala namang dumadaan na tao o kahit na ano.

Nilapitan ko siya at kinalabit sa balikat.

"Theron, anong ginagawa mo diyan? Pumasok na tayo sa loob." sabi ko pero hindi siya sumagot.

Sa halip ay nanatili parin siyang nakatingin sa daan at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Uhm, may third eye kaba?" sa pagkakataong iyon ay napatingin na siya saken.

"What? Wala akong ganun." nakangusong sagot niya.

Bakit ba ang hilig ngumuso ng taong ito? Hindi niya ba alam nagmumukha na siyang pabo?

d~_~b

"Eh bakit ka nakatingin sa daan, wala namang dumaraan diyan."

"May nakita kasi ako." bigla nalang akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya.

Sabi ko na nga ba't may nakikita ito na hindi nakikita ng dalawang mata ko.

Takot pa naman ako sa multo.

d>_<b

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now