K A B A N A T A - 39

1.9K 39 0
                                    

VERENA'S POV

"Verena! Verena!" tawag sakin ni Kuya.

Gumalaw ako ng konti pero agad na nanuot ang sakit sa katawan ko, kasabay nun ang pananakit ng ulo ko.

Anong nangyayari saken?

d>>_<<b

Pinilit kong bumangon kahit nararamdaman kong nahihilo na din ako, sumandal ako sa ulunan ng aking kama habang nakapikit parin ang mga mata ko.

Dinig ko ang sunud-sunod na pagkatok ni Kuya sa pinto ko, gusto ko man siyang pagbuksan pero hindi ko kaya.

Magkakasakit yata ako ngayon? Paano na ako papasok? Arrgghh!

"Verena, gising kana ba?" tanong ni Kuya kaya doon ko na dinilat ang aking mga mata.

Lalong nagising ang natutulog kong diwa nang makita ko ang isang tao na mahimbing parin ang tulog habang walang suot na damit pang-itaas.

Napabalikwas ako nang bangon saka dali-daling nagtungo sa salamin para tignan kung ano ang itsura ko.

"A-ano na namang ginawa nito saken?" mahinang tanong ko sa aking sarili.

"Anong nangyare at ganito na kagulo ang kwarto mo?" nanlamig ako nang makita ko ang mukha ni Kuya sa salamin.

Dahan-dahan akong lumingon at kitang-kita ko kung paano magsalubong ang kilay ni Kuya.

Kaya pasimple naman akong humawak sa damit ko para doon ko ilabas ang kabang nararamdaman ko.

"Masunuring bata." napaawang ang bibig ko nang makita kong napalitan nang matamis na ngiti ang mukha ng Kuya ko.

Napatingin ako kay Theron na ngayon ay gising pala. Napangisi naman siya nang makita niya ako.

"Ofcourse, ginawa ko lang naman ang sinabi mo." lalo akong naguluhan sa sinabi ni Theron.

Lumapit saken si Kuya at hinalikan ako sa noo, tumingin siya sakin habang hinahaplos ang pisngi ko.

"May masakit ba sayo? Gusto mo pa bang pumasok?" tanong ni Kuya, pero umiling lang ako.

Sa mga narinig at nakita ko ay parang nawala na ang hilo pati yung sakit ng ulo ko.

"Sumunod kana sakin sa kusina para makapag-almusal kana. May magandang balita rin akong sasabihin sayo." sabi ni Kuya saka tumalikod at tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Naiwan naman akong tulala habang nakatingin sa nilabasan ni Kuya, nagsalubong ang kilay ko nang mapansin kong bumalik ulit sa pagtulog si Theron.

Lumapit ako sa kanya saka hinampas siya ng unan.

"Verena, kagabi mo pa ako hinahampas ng unan. Hindi ka pa ba napapagod?" nag init ang dugo ko sa sinabi niya.

"Walang hiya ka! Manyak! Manyak! Manyak!" sigaw ko saka naglakad palabas ng kwarto.

"Mahal ka naman." pahabol niyang sabi pero hindi ko na yun pinansin pa.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now