K A B A N A T A - 33

1.9K 45 0
                                    

MAXSON'S POV

"Max, can you please download the latest app of Microsoft right now."

"Bro, edit mo na yan. Kailangan na natin itong matapos."

"Iprint mo na ito, para mapractice na natin yung script."

"Uy, yung video? Nadownload mo na?"

d>>_<<b

"Meron kaba diyang---"

"WHAT THE FUUCCKK! PWEDE BA, ISA-ISA LANG!" sigaw ko sa kanila kaya napatigil sila sa kanilang ginagawa.

Arrgghh! Nakakastress na! Ayoko na mag-aral!

"Max...mag-order ka nga ng pagkain sa---" pinutol ko ang sasabihin ni Jake sa pamamagitan ng pagbato sa kanya ng crumpled paper.

Nagtawanan lang sila at bumalik ulit sa kanilang ginagawa.

Weekend ngayon kaya busy kami sa pag-gawa ng presentation para sa Monday.

Napatingin ako kay Lack na akala mo nasa sarili niyang bahay, nakapatong pa ang paa niya sa table na kaharap ng sofa habang nagtatype sa laptop.

Tinapik ko naman ang paa niya kaya napatingin naman siya saken.

"Why?" inosenteng tanong niya.

Tinignan ko ang posisyon niya kaya agad naman niyang inayos at umupo ng tama.

"Yaya, paorder nga kami ng pagkain." sabi ko saka inayos ang mga nakakalat kong gamit.

Yung mga kaibigan ko kasi yung mismong kagrupo ko kaya ganyan kakapal ang mga pagmumukha nila.

Kasama ko si Jake, Lack, Nard at ang magkapatid na nerd na si Migo at Miko.

Mabuti nalang talaga at pumayag silang makasama sa aming mga tamad.

Nakita kong lumapit si Yaya Meg sakin at tinanong kung ano ang oorderin ko.

"Sir, ano po ioorder ko?" tanong niya saka nilabas ang papel at ballpen.

"Oh, ano daw gusto niyo?" tanong ko sa kanila.

"Kahit na ano."

"Chicken! Yung leg part hah!"

"Spaghetti! Ayoko ng putol-putol, gusto ko buo. Hahahaha!"

"Kahit na ano lang din."

Ang sarap nilang lunurin isa-isa sa tubig dahil sa mga walang kwenta nilang sagot.

Napahimas nalang ako sa sintido ko saka bumaling kay Yaya Meg na ngayon ay wala pang sinusulat sa papel.

"Yaya, kahit ano na nga lang. Wala kang makukuhang matinong sagot sa kanila." sarkastikong sabi ko at napatawa naman si Yaya.

"Sige po Sir." sabi niya saka tuluyang tumalikod samin.

Umupo muna ako sa sofa saka tinawagan si Dad na ngayon ay nasa company.

[ Good Morning! Secretary of Mr.Lennox speaking. Who is this? ] nagtaka ako dahil bakit hindi si Dad ang sumagot sa cellphone niya.

"Where is Dad?" tanong ko.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon