K A B A N A T A - 17

2.3K 49 2
                                    

VERENA'S POV

Pagkatapos naming magbangayan dalawa nung lalakeng 'yon, bigla nalang akong iniwan sa kwarto.

May saltik nga talaga sa utak yun.

Kaya heto ako ngayon, tuwid na tuwid na nakahiga sa kama kahit tirik na tirik na yung araw.

Tinotoo ko talaga ang hindi pagpasok ngayong araw, lalo pa't iniisip ko kung paano ko matatanggal yung nasa leeg ko.

Sa totoo lang, ngayon lang ako nagkaroon nito. Hindi ko talaga alam kung ano ito.

Napabangon ako bigla ng marinig kong may sumampa sa bintana ko.

Nakita ko si Jarrett na nakasuot na ng uniporme at nakangiting tumingin saken.

"Verena, bakit nakahiga kapa diyan? Hindi kaba papasok?" tanong nito saka tuluyang pumasok sa kwarto ko.

"Masama pakiramdam ko." palusot ko saka humiga ulit sa papag.

Napansin kong pinagkrus niya ang kanyang braso habang nakatingin saken.

Ngayon ko lang din napansin na, wala siyang dalang bag.

Saan ang tungo nito?

"Tara." biglang sabi niya saka hinawakan ang kamay ko at hinila patayo.

"Saan na naman?" tanong ko saka tamad na tumayo.

"Basta." sagot niya at tuluyan akong hinila palabas.

Para akong lantang gulay na naglalakad palabas ng bahay.

Napaayos ako bigla ng tayo ng marinig kong may sumigaw.

"Where do you think you were going?" isang pamilyar na boses ang nangibabaw sa tenga ko.

Taka akong lumingon at nakita ko si Theron na nakasandal sa pader habang ang sama ng tingin samin.

"Pake mo ba?" inis kong sabi saka nagpaunang lumabas.

Hindi pa ako nakakatatlong hakbang ng magsalita siya ulit, sa puntong yun awtomatikong napatigil ako sa paglalakad.

"Try to tread your foot out there, you'll find out later." banta niya saken.

Inis ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin.

"Ano na namang gagawin mo saken, aber?" tanong ko habang nakataas ang kilay.

Lumapit naman siya saken, yung halos isang dangkal nalang ang layo namin sa isa't isa.

"Go, you are free to go anywhere this time. Pero maghanda ka para mamaya." tingin palang niya ay may binubuo ng kalokohan sa isipan.

Iniwan niya akong tulala at walang masabi.

"Verena," nabalik lang ako sa wisyo ko ng tawagin ako ni Jarrett.

"Ah, tara na." yun nalang ang nasabi ko saka naunang lumabas.

Ramdam ko ang pagsunod saken ni Jarrett, kahit sa totoo lang hindi ko talaga alam kung saan ang tungo ko.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now