K A B A N A T A - 05

3.5K 74 7
                                    

THERON'S POV

Nagising ako mula sa liwanag na nanggagaling sa bintana ko.

Sabay ng biglang pagkatok sa pinto ko.

What the hell?! Ang aga aga, nang-gigising!

Inis akong bumangon saka binuksan ang pinto.

Nagising lalo ang dugo ko ng bumungad sakin si Kuya at agad akong sinuntok sa mukha.

Bumagsak ako sa sahig saka kinapa ang labi ko.

"What the hell---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng dakmain ako ni Kuya sa kwelyuhan ko.

Sinapak niya ako ng paulit-ulit.

"Wala kang karapatang bastusin si Daddy!" sigaw niya sa pagmumukha ko.

Akmang susuntukin niya ako ulit ng biglang dumating si Dad.

"Maxson! Theron!" maawtoridad na tawag samin ni Dad.

Pabato akong binitawan ni Kuya at bumagsak ako sa sahig.

"What do you think are you doing to your brother hah?!" galit na tanong ni Dad.

Nagpalitan lang kami ng masamang tingin ni Kuya.

"Dad, walang kwenta yang anak mo!" pagkasigaw ni Kuya nun nakatanggap siya ng sampal kay Dad.

"How dare you Maxson!" sigaw ni Dad saka dinuro si Kuya.

"Hindi porket ganun ang ginawa ng kapatid mo, ay pagsasabihan mo na siya ng ganyan!"

Napatayo naman agad ako saka inayos ang sarili ko.

Ano ba kasing problema ni Kuya?!

"Intindihin mo nalang sitwasyon ng kapatid mo Maxson! Nakita mo naman na hindi na natin siya---" naputol ang sasabihin ni Dad ng padabog na lumabas si Kuya sa kwarto ko.

Naiyukom ko ang kamao ko sa inis.

Nagkatinginan kami ni Dad, pero ako naman ang unang umiwas.

"Anak---"

"Dad, I want to rest." walang ganang sabi ko saka humiga ulit sa kama.

Ramdam ko ang pag-upo ni Dad sa kama ko kaya pinakiramdaman ko nalang siya.

"I'm really sorry anak kung nagkukulang na si Daddy sayo." biglang sabi niya dahilan para mapatigil ako.

Napalunok pa ako saka patuloy na pinakinggan ang sinasabi niya.

"Pasensya na k-kung wala na akong oras sa iyo, hindi kita nababantayan ng ayos kaya naging ganyan ka." sabi niya habang gumagaralgal ang boses.

Napakunot ang noo ko saka bumangon at hinarap si Dad.

Nakita ko siyang nakayuko, at napatingin agad ako sa bed sheet kong basa na?!

"I'm sorry anak, I'm really sorry. Wala akong kwentang Am---"

"Dad! Hindi yan totoo!" inis kong sabi saka niyakap siya.

Kahit lagi kang wala sa tabi ko, kahit nagagalit at naiinis na ako kasi wala ka lagi dito kasama ko, hindi ko parin kayang makita kang umiiyak Dad.

"T-theron, since your Mom left us---"

"Dad, I said stop." seryosong sabi ko saka kumalas sa pagkakayakap ko.

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now