Chapter 61: Mag-isa

838 11 0
                                    

Chapter 61: Mag-isa


"Sa mga nakalipas na araw nak, nanghihina ang tatay mo. Kahit na anong pilit ng pagpapa-inom ng gamot dito ay hindi bumubuti ang kalagayan nito." sabi ni nanay..


"Nung huling punta namin dyan nay, okay pa naman siya ah?? A – ano po nangyari??"


"Sabi ng Tita Lisa mo, magmula ng araw na umalis kayo. Nagsimula na siyang manghina at mamayat. Nahihirapan na siya tumayo, magsalita at maglakad. Sinabi ko sayo to nak kasi pakiramdam ko, hindi na magtatagal ang tatay mo." mahinang sagot nito..


"Nay naman! Huwag ka magsalita ng ganyan!"


"Nak, kung makikita mo lang ang sitwasyon ng tatay mo. Mas mabuti ng matapos na ang paghihirap niya kaysa sa makaramdam pa siya ng sakit. Kani-kanina lang, nakapagsalita siya ngunit paputol-putol. Sabi nito na gusto ka niya makita. Kaya tumawag ako sa'yo, nak. Tapos na ba ang exams niyo?"


"O – opo nay! Bakasyon na po kami. Bukas na bukas din po ay uuwi na ako dyan. Gagaling si tatay, naniniwala pa ako nay." mahina kong sagot..


"Naniniwala rin ako nak. Naniniwala pa.. Sige, kung maari huwag ka bumyahe mag-isa ha? Delikado."


"Opo nay, kakausapin ko si Tita na samahan ako bukas. Pakisabi po kay tatay na.. hintayin niya ako."


"Sige nak, mag-iingat ha? Mag-text ka sa akin o kayak ay Tita Lisa mo."


"Opo! Mag-iingat din kayo dyan. Pagdarasal ko po na gumaling si tatay."


"Sige nak! Pagdarasal din namin na ligtas ang pagbyahe mo pabalik dito sa Tarlac."


At naputol na ang tawag. Regular load lang siguro ang gamit ni nanay. Pagkababa ng phone ay balisa pa rin ako sa narinig ko. Nanghihina na raw si tatay. Eh noong huling beses na nagkausap kami at pinakilala ko si Johan ay malakas pa siya, malusog, hindi man gaanong nakakatayo pero nakakapagsalita pa siya ng diretso. Bakit ganun na magsalita si nanay. Parang pinanghihinaan na siya ng loob at nawalan na ng pag-asa na gumaling si tatay. Ano kayang nangyari?


"Sissy.. okay ka lang ba? Ano nangyari?" tanong ni Rica..


"Si tatay daw, nanghihina na. Gusto na ako makita."


Napahawak na lamang si Rica sa kamay ko. Napansin kong nalungkot rin siya sa narinig niya.


"Anong plano mo sissy?" tanong ni Lotty..


"Bukas ng umaga, babyahe ako pauwi sa amin."


"Mag-isa ka lang??"

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon