Chapter 8: Richards Family

2.9K 18 10
                                    

Chapter 8: Richards Family


Hanggang sa.


* tok tok *


"Dear, okay lang ba kayo dyan?" tanong ng Mommy niya..


Napatigil si Johan, napangiti ito at bumalik sa kanyang pagkakahiga ng dahan-dahan. Biglang tumigil yung kaba sa dibdib ko.


"Mom. We're okay. Come in." sagot ni Johan..


Pagkapasok ng mommy nito ay may dala-dalang lalagyan at mga gamot.


"I've cooked chicken soup for you, dear."


"Really? Thank you!"


Pagkalapag ng lalagyan ay dahan-dahang pinaupo si Johan para makakain.


"Ikaw muna ang magpakain sa little dear ko ha?"


"O-okay po.."


"Oh. It's dark outside na pala. Dito ka na lang mag-dinner kaya?" alok ni Mrs. Richards..


"Hala. Wag na po. Nakakahiya." pagtanggi ko..


"Pauwi na rin naman ang daddy niya eh. You should meet him. I think." sabi nito sabay kindat sa akin..


Wala na akong nagawa kung hindi pumayag.


"Okay. That's great! maiwan ko muna kayo dyan ha."


Pagkalabas ng kwarto nito ay hinalo ko ang chicken soup para hindi siya gaanong kainit kapag kinain na ni Johan.


"Bakit ka nagpunta dito?" tanong ni Johan..


"Ha? Ayaw mo ba?" sagot ko habang naghahalo..


"Hindi naman. I just.."


"Gusto kitang ipakilala sa kanila in a decent way, not like this."


"Bakit?"


"Para formal, hindi yung ganito. May sakit ako, nakahiga lang here."


"Okay lang. Ano ka ba. Nakakatuwa nga yung mommy mo eh. Para siyang nanay ko."


Napahinto ako sa paghahalo, naisip ko kasi, yung nanay ko.


One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon