Chapter 62: Pagpatak ng Luha

829 9 0
                                    

Chapter 62: Pagpatak ng Luha


Nagsimula na kaming maglakad papalayo sa park. Nagtataka pa rin ako sa nangyari, bakit parang bago pa yung ukit sa likod ng slide? Ah, siguro may mga batang umukit lang nun dahil imposibleng si.. Marion ang may kagagawan nun. Imposible.


Habang malapit na kami sa bahay namin, hindi ko maiwasang hindi maging emosyunal. Natatakot kasi ako sa pwedeng mangyari, ayoko kasing mawala si tatay sa buhay ko. Pinangako ko pa naman nung bata ako na makakapagtapos ako ng pag-aaral at giginhawa ang buhay namin, iaahon ko sila sa hirap, magpapatayo ako ng bahay namin na aming pinapangarap. Kahinaan ko ang pamilya ko, ayoko ng nakikita ko silang naghihirap at nasasaktan.


Hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay namin at agad kumatok si Tita Nessa.


Binuksan ni Nanay ang pintuan at laking gulat nito na kami ang kumatok.


"Ne – nessa!!" agad nitong niyakap si Tita..


"Matagal-tagal din kitang hindi nakita! Ang taba mo na ah?" pabiro ni Tita..


"Sira ka talaga! Palibhasa ikaw nangangayayat!"


"Hahahahaha oh heto yung anak mo." sabay bitaw nito..


"Nay!" sabi ko sabay bitaw ng bagahe na dala ko..


"Anak!" paglapit ni nanay sabay yakap nito sa akin..


Niyakap ko rin si nanay ng mahigpit. Matagal-tagal ko ring hindi naramdaman ang ganung klaseng yakap. Nakakatuwa dahil nagkita kami ulit, kaso ayoko ng ganitong pakiramdam.


"Ka – kamusta ka na nak? Pinapakain ka ba ng tita mo sa kanila??"


"Oo naman 'nay! Inaalagaan nila ako maigi sa Maynila. Kayo po ba rito? Kamusta?"


"Ayos naman nak, nag-aalala pa rin sa tatay mo."


"Kamusta na pala siya nay? Ano na nangyari sa kanya?"


"Teka teka, pwede bang sa loob na kayo mag-usap?" singit ni Tita..


"Ikaw talaga Nessa! Amin na yang mga dala niyo, tutulungan ko na kayo."


Pumasok kami sa bahay namin. Sa totoong bahay ko. Sa bahay kung saan ako namulat at nagkaisip. Ang bahay na hindi ko malilimutan at hahanap-hanapin ko.


Umupo kami sa may maliit naming sala. Nilagay namin ang mga dala naming bagahe malapit sa may pinto. Medyo mabigat kasi siya dahil marami kaming dalang damit at gamit dahil mukhang matatagalan kami rito.

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon