Chapter 58: Pagbabalik

889 9 0
                                    

Chapter 58: Pagbabalik


Kinahaban ako ng pagkakataong 'yun. Hindi ko alam sasabihin ko sa kanya. Tiyak magagalit siya kapag nalaman nitong hawak ko ang wallet nito.


"Hmm?" patuloy nito..


Napalunok ako.


"Ka – kase.. Nakita ni Kuya Jess sa kotse.. kanina." sabay pakita ko sa wallet nito..


Nanlaki ang mata nito at dali-daling kinuha ang wallet niya sa kamay ko.


"Buti na lang nakita to!" sabi ni Elanie..


"Oo nga eh." pagpilit kong ngumiti..


"Tara na, akyat na tayo!" sabay talikod nito..


"Te – teka, picture ba ni Marion ang.. nasa wallet mo?" tanong ko rito..


Nilakasan ko ang loob ko para matanong sa kanya yung nakita ko.


"Ah 'yun ba.." mahinang sabi nito..


Kinabahan ako dahil humarap ito sa akin.


"Hindi siya 'yun." sabay ngiti nito..


"Kung hindi siya.. sino 'yun?"


"Kababata ko. Tara na, akyat na tayo." sabay talikod nito..


Umakyat na kami sa taas. Nang makarating na kami sa loob hindi par in mawala sa isip ko yung nakita ko kanina. Kamukhang-kamukha kasi ni Marion yung nasa picture. Feeling ko picture 'yun na kinuhanan nung high school pa kasi medyo bata pa ang nasa litrato. Pero mukhang hindi si Marion 'yun dahil kababata niya raw 'yun. Siguro nga, magkamukha lang sila o namalik-mata lang ako.


Lumipas ang ilang minuto, nagsimula na kaming mag-review patungkol sa case study namin. Mahigit isang oras kaming nagseryoso, nag-research at nagbasa ng mga article na magpapatibay ng mga sagot namin.


Hanggang sa may kumatok sa pinto at binuksan ito.


"Ma'am, handa na ang dinner!" sabi ni Yaya Eden..


"Okay po! Bababa na rin kami!" sagot ni Rica..


"Sasabay sa inyong kumain si Mommy mo.." mahinang sagot nito..


"Talaga po??" tanong ni Lotty..


"Ah, oo. Kaya magmadali kayong bumaba ha."

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon