Chapter 78: Kakampi

550 8 2
                                    

Chapter 78: Kakampi


Sandaling tumahimik kami dahil unti-unting bumukas ang pinto. Nilagay ko sa likuran ko ang cellphone, pinatay ang tawag at nagpanggap na nakaupo at nakatali. Habang si kuya Kaloy ay kinabahan sa pagbukas ng pinto, lumapit ito upang tingnan ang sumilip kaso bigla niya itong sinara.


"Tumawag ka na dali!" pagbulong nito..


Agad akong nag-dial ulit at siya naman ay bumalik sa pagtingin sa bintana.


"Tita Nessa calling.."


"H – hello? Sino ba 'to??" pagalit na pagsagot ni tita..


"T – tita, si Monday po ito... Tulungan niyo po kami.." mahinang sagot ko..


"M – Monday?? Nasaan ka ba? Tumawag dito si Rica at.."


"O – opo, kaunti lang po ang oras ko para magkwento, tulungan niyo po kami, kinidnap kami ni Marion."


"M – marion?? Kasama mo siya? Ay jusko! Nasaan kayo???"


Lumingon-lingon ako sa paligid at wala akong ma-ilarawan sa kanya dahil dumidilim na ang kwarto.


"Ako na makikipag-usap." bulong ni kuya Kaloy..


"Hello??"


Binigay ko sa kanya ang cellphone at.


"Puntahan niyo sila dito sa address na 'to."


Binanggit ni kuya Kaloy ang address na sigurong pinagkakaroonan namin. Sa puntong 'to, wala akong magagawa kung hindi magtiwala sa kanya kahit pa hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit niya kami tinutulungan.


"T – teka, bakit ako maniniwala sa'yo??? Sino ka ba??" pasigaw na sabi ni tita..


"Sa ngayon, magtiwala kayo sa akin. Gusto ko silang tulungan. Para sa ikakaligtas nila 'to, kaya maniwala ka. Pumunta kayo at ang pulisya bago sumapit ang madaling araw kamakalawa. Please, tulungan niyo sila." sagot ni kuya Kaloy..


Nagtataka ako habang nakikipag-usap siya kay Tita. Para bang gustong-gusto niya kami tumakas gayong isa siya sa mga tauhan ng tatay nina Kian at Elanie.


Nang biglang bumukas ang pinto.


Nagulat kami sa nangyari.


Madaling binaba ni kuya Kaloy ang tawag at lumapit sa akin at.


One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon