Chapter 72: Papel

563 7 0
                                    

Chapter 72: Papel


Kinabukasan, mas naging masigla ang umaga namin dahil nandito na si tatay sa amin at wala na dapat intindihin pa. Naalaala ko yung binigay na sulat sa akin ni Jepoy kaya agad kong tinext si Ate Anne upang ibalita na nakauwi na si tatay sa bahay namin. Nagsabi ito na dadalaw sila ni Jepoy kinahapunan. Tinext ko rin si Rica na okay na si tatay at nag-sorry ako dahil hindi na ako nakapag-reply sa text nito nung isang gabi.


Kinatanghalian, dumating si tiyo Tenong dahil nabalitaan nitong nakauwi na si tatay. Nagdala ito ng mga prutas at gulay para sa amin. Nagluto sina Tita Nessa at nanay ng pinakbet at ginamit ang mga gulay na dala ni tiyo Tenong. Habang kami ni tita Lisa, hinuhugasan sa likod bahay ang mga prutas at si tiyo naman dumiretso sa kwarto ni tatay para tingnan ang kalagayan nito at kamustahin narin siya.


Lumipas ang kalahating oras, natapos na silang magluto at kumain kami ng tanghalian sa may kwarto ni tatay. Nilagay kasi nina tita Lisa yung isang mesa roon para dun kami magsalu-salo ng pagkain. Kasama naming kumain si tiyo Tenong na may baon na maraming kwento sa amin.


Habang paunti-unting kumakain si tatay ay napansin namin ang pagiging masigla nito at kagustuhan nitong mas bumilis ang paggaling. Nakakatuwa nga dahil ngayon pa ko lang nasaksihan na kumakain kami ng sabay-sabay kasama na si tatay.


Kinahapunan, dumating sina Ate Anne na may dalang mga kakanin. At syempre kasama si Jepoy na naka-wheel chair. Sinalubong niya ako ng ngiti at pagbati.


"Ate Monday!!!!" bati ni Jepoy..


Lumapit ako rito,niyakap ko siya at.


"Jeeeepooooyyy!"


"Kamusta ka na?? Okay na ba pakiramdam mo??"


"Opo! Nagte-therapy na po ako at malapit na raw ako gumaling sabi ni dok!" masayang sabi ni Jepoy..


"Maganda 'yan! Tapos makakapaglaro na tayo! Yehey!" sagot ko..


"Hi Monday! Hi Pureng!" bati ni Ate Anne..


"Hello din po, Ate Anne! Kamusta po kayo??" tanong ko..


"Okay naman, masaya ako kasi malaki improvement ni Jepoy. Ay, ang tatay mo ba? Kamusta siya?"


"Magaling na po siya. Konting pahinga na lang at babalik na ang dati niyang lakas."


"Mabuti 'yun! Alam mo ba, noong nag-text ka kaninang umaga. Excited na bumisita sa inyo si Jepoy. Nako, namimiss ka na nitong batang 'to." sabay hawak sa balikat ni Jepoy..


Napatingin ako dito.


"Totoo ba 'yun, Jepoy?"

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon